Dingdong, walang glam team?!

Inakusahan pa si Dingdong Dantes na ginamit for promo sa movie nila ni Charo Santos na Only We Know ang suot na sirang sapatos sa isa sa special screening ng movie.
Comment na “lahat gagawin for promo kahit walang kwenta” ang nakasira sa dapat masayang reaksyon ng netizens.
Pati nga caption ni Dingdong sa post niya sa nasira niyang sapatos na “Ang gutom na sapatos shhh” ay comedy, pero ‘yung nag-comment na pang-promo lang ang ginawa niya, sabi ng ibang netizens, “mahirap ka-bonding” dahil walang humor sa katawan. Wala raw nagmamahal sa mga nam-bash sa actor.
Marami naman ang naka-relate dahil nangyari rin daw sa kanila ang nangyari sa aktor. Tao rin daw pala si Dingdong kahit sikat ay nasisiraan ng sapatos.
May iba naman na ang glam team nito ang sinisi. Bakit daw hindi nila nalaman na sira na ang sapatos nito at hinayaan pa ring isuot. Sa nakita namin, casual ang suot that night ng mister ni Marian Rivera at hindi kailangan ng glam team. Hindi rin siguro nito napansin na may sira na ang sapatos niya.
Samantala, after ng movie with Charo, mukhang ang bagong teleserye sa GMA ang paghahandaan ni Dingdong. This year daw ito, kaya lang, ayaw pang maglabas ng details ang network. Nalaman lang namin na may young actor siyang makakasama sa cast.
Franco Laurel, inaalala ang kabutihan ng kanyang tito na pumanaw
Naantig ang puso ng mga nakabasa ng sulat ni Franco Laurel na pamangkin ni Cocoy Laurel. Nasa Instagram ang letter kung saan, binalikan ni Franco ang mga araw na nakasama niya si Cocoy.
“You have touched so many lives—not just with your incredible artistry, but with your kindness, your generosity, and your beautiful spirit. You had a gift for making everyone feel special, seen, and heard. Your presence lit up every room, and your smile had the power to lift even the heaviest hearts. Your hugs meant the world to so many of us.
“I will forever treasure the moments we shared. You were a true inspiration—one of the reasons I am the artist I am today. I still remember the first time I watched you on stage—The King & I, Pippin, West Side Story, Camelot—and so many more. You bought magic to every performance.
I’ll never forget those childhood days at the old house in Shaw with my Mom, when you would ask me to sing. I remember so clearly how you once told me: “When you sing, think of it like the waves in the ocean—let it flow.” These words stayed with me and helped shape not only how I sing, but who I am as an artist.
“Thank you, Tito Cocoy, for being so loving and kind to me and my family. Your love and light will always live in my heart. I know you’re now singing and dancing your heart out in Heaven.”
Naalala ng Noranians na si Franco ang kasama ni Cocoy nang pumunta sila sa wake ni Nora Aunor sa Heritage Park.
- Latest