^

Pang Movies

Aga, istriktong manager!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Aga, istriktong manager!
Aga at Andres Muhlach

Namana marahil ni Aga Muhlach sa ama niyang si Cheng Muhlach ang pagiging metikuloso at maingat sa pagmama-manage ng anak niyang sina Andres at Atasha.

Gaya ni Aga, star material ang kambal niyang anak gaya nilang mag-asawa. Kaya kaila­ngan maging maingat sa projects na tinatanggap!

Teenager pa lang si Aga nang madiskubre sa pelikulang Bagets ng Viva Films. Saksi kami sa kasikatan niya kaya naman panay ang hingi namin ng schedule para sa pictorial ni Aga para sa fan magazine as co-editor noon!

May mga tsismis kaming naririnig kaugnay ng pagma-manage ni Aga lalo na kay Andres. Eh hindi namin siya masisisi dahil isa si Andres sa maituturing na hottest male teen stars ngayon!

Eh look, hanggang ngayon, in demand pa rin si Aga sa TV at movies, huh!

Marian, ginulat ang kanyang crush!

Sumulpot bigla si Marian Rivera sa nakaraang episode this week ng Fa­smily Feud na ang asawang si Dingdong Dantes ang host na ikinatuwa ng studio audience at game contestants!

“Eh crush ang pinag-uusapan kaya dumaan ako para makita ko ang crush ko!” sabi ni Yan na maging si Dong eh ikinatuwa ang presence ng asawa.

Nitong nakaraan, ginawan ng issue si Marian nang muling magkita sina Dong at former GF na si Karylle nang mag-promote ang aktor sa It’s Showtime ng pelikula nila ni Charo Santos na Only We Know. Kaswal naman ang naging pagkikita ng dalawa at hindi nakakitaan ng ilangan!

Eh hindi lang naman ito ang unang pagkakataon na nagkrus ang landas nina Dong at Karylle. Pero may mga netizen na binubuhay muli ang bangkay at pinaghinalaan ang umano’y cryptic posts ni Yan na may kinalaman sa pagkikita ng dalawa.

Naku, tapos na ‘yan. Kapwa maligaya ang lahat! Kung alam lang ninyo ang tunay na pangyayari sa likod ng kuwentong ito, huh!

Baka kayo ang magulat!

ANDRES MUHLACH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with