Derek at Ellen, enjoy sa kanilang retired era!

Parehong on a semi-retired era ngayon sa kanilang respective showbiz career ang celebrity couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna magmula nang sila’y maging mag-asawa.
May tig-isang anak sa kanilang respective ex-partners, ang ex-wife ni Derek na si Mary Christine Jolly, ang binata na ngayon na si Austin at ang seven-year-old son ni Ellen sa actor na si John Lloyd Cruz na si Elias. Together ay meron na rin silang anak na si Liana who’s turning one-year-old sa darating na Oktubre.
Before Liana, si Ellen ay nagkaroon ng miscarriage nung 2023.
Magmula nang maging mag-asawa ang dalawa ay isinantabi na muna nila ang kanilang magkahiwalay na showbiz careers to focus on their family life na pareho nilang ini-enjoy.
Very close si Derek sa anak ni Ellen na si Elias at parang sariling anak ang trato niya sa bata.
Derek’s eldest son na si Austin is almost 22 years old.
Naging supportive si Austin sa relasyon nina Derek at Ellen maging sa kanyang stepbrother na si Elias.
Si Austin ang unang nakaalam nang magdesisyon ang daddy niyang model-athlete-actor and entrepreneur na mag-propose kay Ellen.
Since malaki ang age gap nina Austin at Elias maging ang kanyang baby sister na si Liana, may ibang interest na pinagkakaabalahan ang binata na kung hindi kami nagkakamali ay nag-aaral ngayon sa London.
- Latest