Cocoy tinupad ang pangako kay Nora

Nagdadalamhati si Lotlot de Leon sa pagpanaw ng aktor/singer na si Victor “Cocoy” Laurel na naging malapit din sa kanya bilang dating ka-loveteam ito ng kanyang inang si Superstar Nora Aunor.
Sumakabilang buhay si Cocoy nitong nakaraang June 14, 2025 sa edad na 72.
Sa kanyang Instagram account ay ipinost ni Lotlot ang mga larawan ng kanyang tito Cocoy nang dumalaw ito sa burol ni Ate Guy na pumanaw noong nakaraang Abril.
Sa caption ay ipinahayag niya ang pagkalungkot sa pagpanaw ni Cocoy at inalala ang panahong dumalaw ito sa burol ng kanyang mommy na may dalang painting.
“Such sad news to learn of the passing of my dearest Tito Cocoy.
“When you came to visit Mom for the last time, you brought with you a beautiful painting you had made for her,” simula ng aktres.
Sa mga hindi nakakaalam ay painter din si Cocoy at marami na itong nagawang painting na ang iba ay iniregalo pa niya kay Guy.
Saad ni Balot, nangako raw noon si Cocoy sa kanyang mommy na bibigyan ulit ito ng bagong painting kaya kahit wala na ang ina ay tinupad pa rin ito ng aktor/singer.
“You told me that you had always promised to create another one for her—and so, you brought it with you to her wake. You turned to me and said, ‘Lot, please keep this… I’m giving this to you as a gift. Keep it,’” she wrote.
“That painting is more than just a piece of art. It’s a symbol of your deep friendship and lasting love for Mom. I accepted it with all my heart, and we will treasure it forever. Thank you, Tito Cocoy.
“May you rest in peace.
“My deepest condolences to the Laurel family.
Our thoughts and prayers are with you during this difficult time,” ang mensahe ni Lotlot.
Katrina, sa public school ipinasok ang anak!
Umani ng positibong komento ang post ni Katrina Halili sa kanyang latest post tungkol sa first day of school ng anak niyang si Katie last Monday.
Nag-upload ang aktres ng reel kung saan ay makikitang hinatid niya ang kanyang anak sa school.
“First day of school. Sweet talaga si Katie sa mga teachers niya salamat po (sa pag-aalaga) at pag mamahal Kay Katie. Thank u po teacher Elmie.
“Gusto niya kasi susundo Lang ako sa (kanya) sa hapon at magpapapicture sa mga students. Sorry baby, nag push my luck Lang si mama. Mami miss kasi Kita, I Love You,” ang caption ni Katrina.
Ang mas nakatawag ng pansin sa netizens ay ang paaralan na pinapasukan ni Katie na isang public school.
Dahil dito ay inulan ng papuri si Katrina sa desisyon niyang sa public school pag-aralin ang anak nila ng singer na si Kris Lawrence although may netizen din na nagtanong kung bakit hindi sa private school gayung afford naman daw ito ng parents ni Katie.
- Latest