^

Pang Movies

Cocoy Laurel, namatay na single!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Cocoy Laurel, namatay na single!
Cocoy

Nung nakaraang Sabado, June 14, isa namang matapat na miyembro ng sining ang sumakabilang-buhay, ang veteran singer-actor at movie and theater icon na si Victor Diaz Laurel na mas kilala in showbiz sa kanyang palayaw na Cocoy Laurel.

Si Cocoy ay panganay na anak ng yumaong dating vice president ng bansa na si Salvador ‘Doy’ Laurel at theater icon na si Celia Diaz-Laurel sa walong magkakapatid kung saan kabilang ang singer na si Iwi Laurel.  

Half-sister naman niya (sa father side) ang model-actress na si Pia Laurel, ang kaisa-isang anak ng dating beauty queen-turned actress na si Pia Pilapil.

Si Cocoy ay isa sa mga prominent leading men ng superstar na si Nora Aunor nung dekada sitenta. They were first paired sa pelikulang Lollipops and Roses which was shot abroad and released in 1971. 

Kasama rin nina Guy at Cocoy sa nasabing pelikula ang American singer-songwriter at actor at naging bida ng American TV series na Miami Vice na si Don Johnson at si David Jones, ang English actor, singer, musician at businessman na kilala sa grupong The Monkees at sa TV series na may ganoon ding pamagat. Si David ay sumakabilang-buhay nung Feb. 29, 2012 sa edad na 66 with four children.

Ang Lollipops and Roses ay isa sa mga major hit movies nung 1971. Gumawa ng dalawa pang pelikula sina Guy at Cocoy, ang Impossible Dream nung 1973 at ang Burong Talangka nung 1975 which was shot in San Francisco, California, USA. 

Since then ay nanatiling close na magkaibigan sina Guy at Cocoy hanggang sa kanilang magkasunod na pagpanaw, almost two months apart. 

Dumalo pa si Cocoy sa huling lamay ni Guy at umiyak sa pagpanaw ng isang malapit na kaibigan.

Nung kabataan at kalakasan pa ni Cocoy ay aktibo rin siya sa pagpipinta. Katunayan, ang ilan sa kanyang mga obra ay ibinigay niya mismo kay Guy.

Taong 1972 when he joined Repertory Philippines na binuo ng stage icon na si Zenaida Amador, ang yumaong tiyahin ng singer-actress na si Pinky Amador. Ilan sa mga early play na kanyang sinalihan ay ang Fiddler on the Roof at The Fantasticks at iba pa.

Dalawang taong nag-aral si Cocoy sa American Academy of Dramatic Arts in New York at tinanggap niya ang kanyang diploma kay Helen Hayes.

Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas ay kanyang ipinagpatuloy ang kanyang movie and stage career. 

Ilan pa sa mga ginawa niyang stage plays include Pippin, West Side Story, Sweeney Todd, at iba pa. Isa rin siya sa original cast ng Miss Saigon sa West End with Lea Salonga playing the lead role as Kim. He played the role as the Assistant Commissar at The Engineer hindi lamang sa London kundi maging sa Sydney, Australia. 

Naging bahagi rin siya ng The Music of Alain Boublil and Claude Michel Schonberg Concert in Manila. 

Sina Franco Laurel at Denise Laurel na parehong active sa kanilang singing and acting career ay mga pamangkin ni Coco.

Samantala, up to the time of his death, si Cocoy ay nanatiling single.

Mula sa amin dito sa Pang Masa, ang aming taos pusong pakikiramay sa pamilya ni Cocoy, another golden treasure ng teatro at pelikula.

COCOY LAUREL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with