^

Pang Movies

Breadwinner, nangunguna sa Netflix PH

Pang-masa

MANILA, Philippines — Panalo sa puso ng mga manonood ang Metro Manila Film Festival 2024 box-office hit na And The Breadwinner Is…, na pinagbibidahan ni Vice Ganda, dahil ito ang nangungunang pelikula sa Netflix Philippines matapos itong maging available sa naturang streaming platform simula noong Hunyo 12.

Patuloy ang pagpuri ng mga manonood sa tagos sa pusong kwentong pang-pamilya dahil nakaka-relate ang mga Pilipino sa iba’t ibang sakripisyo at pagsubok na pinagdadaanan ng bawat karakter sa pelikula.

Umiikot ang kwento ng And The Breadwinner Is… sa OFW breadwinner na si Bambi (Vice), kung saan pineke nito ang sariling pagkamatay bilang sakripisyo upang tulungan ang pamilya na lubog sa utang.

Nagtala ito ng P460 na kita sa takilya para sa loob at labas ng Pilipinas at ito ang nagsisilbing unang proyekto na magkasama sina Vice at award-winning na direktor na si Jun Robles Lana.

Nasungkit ng pelikula ang award para sa Gender Sensitivity noong 50th MMFF Gabi ng Parangal, habang kinilala si Vice ng Special Jury Citation award para sa natatangi niyang pagganap.

Mula sa Star Cinema at The IdeaFirst Company, kasama rin sa And The Breadwinner Is… sina Eugene Domingo, Malou de Guzman, Joel Torre, Jhong Hilario, Gladys Reyes, Maris Racal, Anthony Jennings, Kokoy de Santos, Lassy Marquez, MC Muah, Via Antonio, Kiko Matos, Argus Aspiras, at Kulot Caponpon.

NETFLIX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with