^

Pang Movies

Shuvee at Anthony, trending ang yakapan

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Shuvee at Anthony, trending ang yakapan
Anthony at Shuvee
STAR/File

Ang ingay ng eviction ng ShuKla nung isang gabi.

Yup, natsugi na nga sa Bahay ni Kuya sina Shuvee Etrata at Klarisse de Guzman.

Ang Shuvee-Klarisse duo ay nakatanggap ng pinakamababang boto.

Nakuha nina Dustin Yu-Bianca de Vera ang pinakamataas na boto, 36.83%, habang ang AZ Martinez-River Joseph ay nakatanggap ng 31.67% na boto.

Kaya lamang lang ang Team AzVer sa Team ShuKla ng 0.17% na may 31.50%.

Apat na duo lang ang uusad sa Big Night ng season na magaganap sa Hulyo 5.

Kaya naman ang daming netizens ang nagwala. Galit sila kina AZ at River na nag-nominate sa ShuKla.

Bardagulan sila lalo na sa Twitter.

Kaya naman pati si Vice Ganda ay nag-tweet na: “Paalala sa mga OA at shungang faneys. Kung talagang mahal nyo ung mga bet nyo umayos kyo. Dhil sa kagaguhan nyo ung mga bet nyo pa mapapahamak at mapapaaway. Ending nyan sila pa mahihiya at manliliit pag nagkasalubong sila ng mga inookray nyo khit wala nman silang kaalam alam.”

Pero mas winner si Shuvee na tinanggap paglabas ng kanyang mga kaibigan kabilang si Anthony Constantino, na umano’y BF nito.

At ‘yun nag-trending si Anthony dahil mala-Donny Pangilinan ang features na nung naging houseguest na crush na crush ni Shuvee.

Si Anthony ang bagong ilulunsad ng management arm ng GMA na Sparkle.

SHUKLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with