Mga sinehan, pabonggahan ang upuan
Sa totoo lang, pang-mayaman na ang panonood ng sine.
Hindi mo na pwedeng sabihin na makaka-relate ang masa sa kuwento ng isang pelikula dahil sa bayad pa lang nito, hindi na pang-masa.
Sa isang mall sa Quezon City, P530 ang bayad tho may libreng popcorn at bottled water naman.
At hindi ka na ring pwedeng manood anytime, may number of screening na lang sa isang araw.
Yes, wala na talaga ‘yung dating ‘pag naisipan mong manood ng sine, pwede kang maghintay ng oras lang.
Ito halos kalahating araw ang pagitan ng schedule ng pagpapalabas ng isang Tagalog movie.
At paano kung ayaw mo ng popcorn at may water ka nang baon?
Hahaha.
Pero iba talaga ang experience ‘pag sa sinehan ka nanood. Iba ang quality kesa sa pinanood mo lang sa TV o tablet.
Iba ang saya at of course malamig dahil sa malakas na aircon.
Anyway, kasi rin naman level up na ang mga sinehan. Recliner na ang mga upuan at parang more than 50 lang ang capacity.
Parang dinisenyo na talaga para sa mga block screening.
Kaya nakakahinayang na hindi gaanong tinatao ang mga sinehan.
In a nutshell, hindi pang-masa ang panonood ng sine sa kasalukuyang panahon. Matagal nang ganito ang sistema kaya naman talagang marami na ang umaapela na sana’y magbaba ng bayad sa mga sinehan para naman masanay ulit ang mga tao na sa sinehan manood.
iWant, may patikim!
Pinasaya at mas pinadali na pala ang panonood sa iWant, simula noong Hunyo 12 sa smart TVs.
May bagong itsura ang iWant para umano’y mas mabilis, mas malinaw, at mas maayos na panonood ng paborito mong mga palabas, pelikula, at live content. At mas madaling hanapin ang trending, bagong episodes, at mga kilig, senti, o gigil na eksena, depende sa mood mo.
Mas pinalawak na pagpipilian ng mga palabas mula sa telebisyon gaya ng FPJ’s Batang Quiapo, mga pelikula, at online series na swak sa mood at vibes ng mga manonood — mula kilig, gigil, hanggang senti at iba pa.
Bida rin sa bagong iWant ang iWant Originals series gaya ng Love at First Spike na pinagbibidahan nina Emilio Daez, Sean Tristan, at Reign Parani; trending na mga palabas gaya ng PBB Collab Celebrity Edition; at mga eksklusibong content gaya ng dokyu tampok ang nation’s girl group na BINI at director’s cut ng MMK ni Charo Santos.
Patikim pa lang umano ito bago ang paglunsad ng bagong iWant sa Hulyo, kung saan magiging available na rin ang bagong experience sa mga cell phone at tablet.
Sa halagang P35 kada buwan, matutuwa na nga ang mga pamilya sa panonood. Available rin ito sa Chromecast at AirPlay.
- Latest