Boobay, natumba na naman sa raket!

‘Kaloka na nahimatay na naman daw si Boobay habang nagho-host ng isang event.
Kumalat ang video na matapos niyang pabirong halikan ang isang audience ay natumba ito na mabuti ay agad din namang nasalo ng mga staff na nakaantabay roon.
Maaalalang maraming beses na ring nahimatay si Boobay noon sa magkakaibang mga event.
Isa nga roon ay nang mahimatay siya habang nagho-host din siya sa Aparri, Cagayan kung saan bumagsak siya sa stage kasama pa niya noon ang kapwa komedyante niya ring si Pepita Curtis.
Inatake rin siya ng silent seizure sa kanyang live guesting sa Fast Talk with Boy Abunda bago pa iyon.
At ganoon din ang nangyari noong nagpe-perform siya sa isang isang miting de avance sa QC.
Ang nasabing seizure ay epekto diumano ng mild stroke na nangyari sa kanya noong November 2016 kung saan sinusumpong siya nito tuwing nakakaramdam siya ng pagod, puyat at pagkabahala.
Ayon nga sa kanya ay parang may lamat na raw ang utak niya.
Maaalalang sinabi nga rin niya noon na malaki na raw ang pagpapahalaga niya sa kalusugan niya mula nang atakehin ng absence seizure sa live broadcast ng Fast Talk with Boy Abunda noong Abril 2023.
Naging eye-opener pa raw sa kanya ang mga naranasan para pahalagahan niya ang pahinga.
Pero ngayon nga ay mukhang balik na naman si Boobay sa sunud-sunod na pag-arangkada niya sa mga raket at hindi na naman nakakapagpahinga.
‘Kaloka.
- Latest