Kris, ipinakita ang pinagdaraanang kalbaryo

Bumuhos ang pagmamahal at pagdarasal ng supporters ni Kris Aquino nang mag-share ang kaibigan at confidante niyang si Dindo Balares ng kanyang latest photo.
Makikita sa larawan na ipinost ni Dindo sa kanyang Facebook account na malungkot na nakaupo si Kris sa sofa, namumula ang mukha at kapansin-pansin pa rin ang kanyang kapayatan.
Makikita sa mukha nito ang matinding hirap na kanyang pinagdaraanan dahil sa matagal nang iniindang sakit.
“’Nakita mo na ang kalbaryo ko, Kuya Dindo.’ Ito ang marahan at mahinang sabi ni Kris habang nakahiga at inaalalayan ko siyang maiayos ang lapat ng kanyang ulo sa unan,” bungad ni Dindo sa kanyang caption.
Ibinahagi rin ng dating entertainment editor na 10 days niyang sinamahan at inalagaan si Kris sa bagong tinitirhan nitong beach resort.
“Nasa gitna kami ng isa sa aming mga pag-uusap nang samahan ko siya for 10 days sa kanyang paninirahan sa private resort ng kanyang generous at maalagang family friends.
“Marami kaming mga napagkuwentuhan, at humingi ako ng permiso na isulat at i-share sa kanyang loyal followers pati na pictures. Pumayag si Krisy,” aniya.
“Hindi man sinasadya ni Kris, binigyan niya ako ng biggest lessons sa buhay na ito habang inaalagaan siya. Isusulat at ipo-post ko, aayusin ko lang po muna ang thoughts ko,” pahayag pa ni Dindo.
Lloydie, emosyonal sa Father’s Day
Madamdamin at puno ng pagmamahal ang mensahe ni John Lloyd Cruz para sa anak na si Elias sa pagdiriwang ng Father’s Day kahapon.
Sa kanyang Instagram account ay nag-post ang aktor ng larawan niya at blurred black and white photo ng anak nila ni Ellen Adarna.
Sa caption ay labis-labis ang pasasalamat ni Lloydie na dumating sa buhay niya si Elias at nabigyan siya ng pagkakataong maging ama.
“Happy father’s day sa atin anak. salamat dumating ka at pinatunayang pwede maging buo bagamat hindi magkasama,” anang aktor.
Saad pa niya, “araw-araw,pinaglalaban ‘ko. araw-araw kaya ko mamatay para sa’yo. salamat anak. wala na ‘kong mahihiling pa bilang ama. enjoy ka today. hfd to us.”
Binati rin ni John Lloyd ang lahat ng mga ama sa kanilang espesyal na araw.
“Happy father’s day sa lahat ng mga amang hindi sumusuko sa pamilya. inspirasyon kayo sa aming mag-ama.”
Matapos ang ilang oras ay muling nag-post ang aktor ng black and white photo ng bonding moment nila ni Elias. Sa caption ay sinabi niyang walang pwedeng tumapat na anumang tagumpay o pera sa moment na ito. Binati rin niya ang kanyang ama at nagpasalamat dito.
“hanep na buhay to, salamat po walang uri ng tagumpay, parangal, kapangyarihan tatapat dito. Ito ang success sa tulad ko. Salamat sa erpat ko, kundi sa kanya, wala itong larawan na ‘to. Happy father’s day Daddy. This is our best year, paboritong biyaya ko ang makasama ka at makakwentuhan kahit minsan. Salamat nandyan ka. Salamat hindi ka madrama,” sey ni Lloydie.
- Latest