^

Pang Movies

Bagets: The Musical, naghahanap ng bagong matinee idols!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Bagets: The Musical, naghahanap ng bagong matinee idols!
Anj, Maribel, Sir Lucien, at Jmee
STAR/File

Makasaysayang maituturing ang pagsasanib-puwersa ng tatlong giant media and entertainment companies para maihatid sa publiko at sa mga manonood sa teatro ang pagta-translate sa entablado ng 1984 classic and trendy hit movie na Bagets na pinamahalaan ng yumaong director na si Maryo J. de los Reyes under Viva Films na pinagbidahan ng hot bagets stars nung dekada otsenta na sina William Martinez, Aga Muhlach, JC Bonnin, Raymond Lauchengco at Herbert Bautista.

It was the leading newpaper, The Philippine STAR, ang nakaisip na gawing isang stage musical ang iconic and trendy movie nung dekada otsenta, ang Bagets na talagang tumatak sa publiko laluna nung mga kabataan nung era na ‘yon.

They approached Viva na pinaka-busy na producer ng pelikula sa kasalukuyan at isa sa mga entertainment giants at nang makuha nila ang nod ng Viva ay saka naman nila naisip ang venue na pagpapalabasan ng stage musical at dito pumasok ang Newport Performing Arts Theater ng Newport World Resorts.

At kasunod na rito ang alyansa ng tatlong major companies, ang The Philippine STAR represented by its chairman-CEO na si Miguel Belmonte, ang chairman-CEO ng Viva Communications, Inc. na si Boss Vic del Rosario, Jr. at ang Executive Chairman ng Newport World Resorts na si Kevin Tan.

Ang Bagets: The Musical ay ila-line produce ng Philippine Educational Theater Association (PETA) with Anj Heruela as Executive Director, Maribel Legarda na siyang magdidirek ng Bagets: The Musical, at si Jmee Katanyag ang playwright.

Magsisimula umano ang audition ng bubuo ng cast sa buwan ng July and August at nakatakdang magsimula sa Jan. 23, 2028 hanggang March 26, 2025 with matinees sa araw ng Sabado at Linggo.

Ngayon pa lamang, Salve A., ay marami na ang excited at nag-aabang sa first staging ng Bagets: The Musical kahit hindi pa buo ang cast.

BAGETS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with