^

Pang Movies

Bianca, inapelang gawing Darna!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Bianca, inapelang gawing Darna!
Bianca Umali
STAR/File

Mapi-pressure nito ang GMA dahil this Monday pa lang ang world premiere ng Sang’gre na pinagbibidahan ni Bianca Umali, napili na ng netizens ang next series ng aktres. Bagay raw kay Bianca at dapat sa kanya ibigay ang Darna at tinag nila ang ABS-CBN.

Ang ABS-CBN na kasi ang may exclusive right sa Darna at pati ang GMA.

Ibig sabihin, puwede raw mag-collab ang GMA at ABS-CBN para gawin ang klasik novel ni Mars Ravelo na ang huling lumipad at gumanap ay si Jane de Leon.

In fairness, bagay nga kay Bianca ang maging next Darna at kung isusunod ito sa Sang’gre, hindi na masyadong magti-training ang aktres dahil batak na siya sa two years na training sa pinagbibidahang fantaserye.

Sa ngayon, focused muna siya sa Sang’gre at masaya ito sa positive reception ng mga manonood sa kanilang trailer. “Nakakatunaw ng puso ‘yung makita namin ‘yung feedback. Ang saya kasi hindi mo alam kung ano ‘yung ini-expect mo, kasi siyempre ang tagal nang naghintay ng mga tao,” sabi ni Bianca.

Sigurado naman ang aktres na hindi sila mapapahiya dahil ibinigay ng buong cast, creative at production team ang kanilang best para magustuhan at mahalin ng tao ang Encantadia Last Chronicles: Sang’gre.

“Ipinagmamalaki namin ang proyektong ito, It’s a whole lot of experiences and emotions and ‘yung mentality na dinedicate ko sa show na ‘to. Again, dalawang taon ng buhay ko. We all did our best,” dagdag niya.

Sina Rico Gutierrez at Enzo Williams ang dalawang directors na nagtulong at si direk Mark Reyes para muling ipasilip ang mundo ng Encantadia, 8 p.m., sa GMA 7.

Bea at negosyanteng bf, malapit kay Bong Go

Hinahaluan ng pulitika ng tao ang relasyon nina Bea Alonzo at Vincent Co dahil lang binati ng power couple sa kanyang birthday si Senator Bong Go.

Kahit na may nag-comment na baka hiningan lang sila ng birthday greetings for Sen. Go at saka, family friend ng mga Co ang senador kaya magiging family friend na rin daw ni Bea ang senador kapag ikinasal na sila ng negosyante.

Matigas nga lang ang ibang netizens, may choice raw ang aktres to decline na batiin si Sen. Bong Go sa birthday nito via video. Dapat daw alam niya na hahaluan ng pulitika ang birthday greetings niya at siya ang mapapasama.

Sa ngayon, ‘wag lagyan ng malisya ang birthday greetings, besides, nanalo at nag-number one senator si Bong Go na hindi in-endorse ni Bea.

Cassy, Ashley at Kyline, kabogan sa Mega!

Pare-parehong dumalo sa Mega Ball 2025 sina Mavy Legaspi, Cassy Legaspi, ang girlfriend ni Mavy na si Ashley Ortega at ang ex ni Mavy na si Kyline Alcantara.

Tanong ng fans, nagkita raw ba ang mag-ex at kung nagkita man, nagtinginan ba sila o nagbatian?

Pero wala pang nagkukuwento sa mga dumalo sa ball kaya walang nakakaalam.

Saka, malaki ang ballroom ng hotel kung saan ginawa ang event, baka hindi sila nagkita o puwede ring nag-iwasan.

Walang problema kina Ashley at Kyline dahil nakuwento ni Ashley na nagkita na sila sa All-Out Sundays at nagbatian sila. Nagkataon lang na si Kyline ang ex at siya ang current GF ni Mavy.

Ang napanood namin, pabonggahan sa mga suot nilang gowns ang tatlo. Walang nagpatalo sa kanila at ini-expect yata ng tatlo na magkikita-kita sila sa nasabing event.

BIANCA UMALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with