^

Pang Movies

Kelvin, maraming angst!

Gorgy Rula - Pang-masa
Kelvin, maraming angst!
Kelvin Miranda
STAR/File

Ngayong Lunes na magsisimula ang Encantadia Chronicles: Sang’gre na kapalit sa timeslot ng katatapos lang na Lolong: Pangil ng Maynila.

Emotional ang karamihan sa mga nasa cast nito nang magsalita sila sa media conference noong nakaraang Linggo, dahil ang tagal din nilang hinintay na matapos ito, at ang daming pinagdaanan bago nila ito nabuo.

Naunang naiyak ang character actress na si Cheska Iñigo dahil mula sa unang Encantadia hanggang dito sa Sang’gre ay naging bahagi siya nito.

Sumunod na naiyak si Faith da Silva, pati si Angel Guardian, dahil ang laki raw ng nagagawa nitong fantasy series na ito sa kanilang showbiz career.

Pagkatapos ng mediacon ay namataan naming matagal na nagyakap sina Bianca Umali at Gabby Eigenmann.

Inurirat namin ang Kapuso actor kung ano ang pinag-usapan nila ni Bianca.

Nagpustahan daw silang dalawa na maiiyak si Bianca sa mediacon.

Sa loob ng dalawang taon na ginagawa raw nila nito, ang dami raw talaga nilang hirap sa seryeng ito. Nandiyan ang pag-aalala kung ano ang kahihinatnan nila, dahil sa mga hinarap na problema habang ginagawa nila ito.

Sa tagal ng pagsasama nila habang tini-tape nila itong Sang’gre, naging close na raw talaga sila at si Gabby ang kanilang naging kuya. Parang sounding board na raw siya ng mga kabataang bida sa fantasy series na ito.

“Sabi ko nga, natutuwa ako, kasi nakatrabaho ko sila e, halos lahat. Halos lahat nakatrabaho ko na.

“Nung nag-lock-in kami e, magkakasama kami sa isang kuwarto mga boys, sina Luis (Hontiveros), sina Kelvin (Miranda). So dun ko lang na-realize na si Kelvin e, he’s introvert. And he’s trying his best when he faced a lot of people, he’s trying to be in the middle na ambivert. Kasi ‘pag extrovert ‘yan, makita mo madaldal ‘yan. Hindi e. Introvert talaga. Ngayon ko lang naintindihan na… nung nagkasama kami sa isang kuwarto, ‘ahh okay. He’s a very deep guy, may mga angst din sa buhay, marami-rami.’

“Nakakapagod din! Niyakap ko nga si LGR (Lilybeth G. Rasonable) kanina. They need a sounding board pala ang mga ito. Kasi, ‘kuya Gab ganito, kuya Gab ganito.’

“Para na lang ako magbubukas ng clinic e! Alam mo ‘yun!

“Pero hindi ako napapagod kasi natutuwa ako,” saad ni Gabby Eigenmann.

SANG’GRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with