^

Pang Movies

Max Collins, big time ang bagong jowa?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Max Collins, big time ang bagong jowa?!
Max Collins.
STAR/ File

In a relationship na diumano si Max Collins.

Isang rich Spanish guy nga raw ang bagong karelasyon ng Kapuso actress na madalas ngayon sa abroad base sa kanyang mga post sa social media.

Legally separated na sila ng ex-husband niyang si Pancho Magno base sa kanyang interview noong October 2024.

Si Max ang nag-file ng divorce dahil isang American citizen ang actress.

May ilang nag-akala na may chance na magkaroon sila ng reconciliation dahil recently ay nakikita silang magkasama sa mga school event ng anak nilang si Skye na kamakailan ay nag-moving up.

Maaalalang ikinasal sila ni Pancho noong December 2017 at nabalitang naghiwalay sila noong 2021.

Pero hindi sila nagsiraan sa social media. Nanahimik at bumalik sa maayos na samahan ang dating mag-asawa para sa nag-iisa nilang anak.

“That’s our priority lalo na ‘pag sa school. Wala namang ano... okay naman. Mas okay nga kami ngayon actually ngayon, kasi lumalaki na rin si Skye so eventually, we really have to explain dahil magtatanong na ‘yun,” sagot ni Pancho nang makausap namin siya kamakailan.

“But, ang pinaka-okay kasi sa ‘min like hindi lang siya friends, kay Mom, sa mga kapatid ko. It happens but as long as everyone’s okay naman and happy, and healthy si Skye...” may himig na pagmamalaki pa ni Pancho sa maayos nilang setup ng dating misis.

“Iba ‘yung closeness, I mean, meron talaga ka­ming nabuong parang ibang friendship nung naghiwalay kami. Ngayon mas... nagkukwentuhan kami, okay naman, co-parents talaga,” kumpirma pa ng Kapuso actor.

Na inasahan daw talaga niya na mas magiging ok sila ng dating misis. “Oo, and I know naman, knowing Max ever since na nakilala ko siya talagang alam mo ‘yun, alam ko na magiging okay kami.”

Noong nakausap namin siya ay wala pang nababalitang may ibang karelasyon si Max.

Pero sinabi ng actor na nasa stage na talaga sila na pwede na silang magkaroon ng kanya-kanyang bagong karelasyon.

“Yeah, oo naman. Well, sa akin, ‘yung sa amin ni Max, I always say this, sa lahat ng mga na­ging interview namin... naging best friends talaga kami before kami ikinasal. So, siguro kapag meron na talagang nakikita ko na potential, I have to ask permission siguro or just to say lang. Yeah, I mean, ako I’m not expecting naman sa kanya pero ako sa akin lang siguro better na, ewan ko, let’s see but I’m not naman seeing anyone.”

Noong time na kausap namin masaya raw siya (Pancho) para sa actress lalo na nga at nakikita niya kung gaano ito ka-sexy ngayon. Tho wala pa raw itong binabanggit tungkol sa bagong karelasyon: “I don’t know. Wala siyang sinasabi. Basta happy lang ako na maganda ‘yung katawan niya, fit siya. Kasi malaki na ‘yung anak namin... mabigat po si Skye. Kasi nakikita ko ‘yung generation namin ang late na mag-anak. Nare-realize mo, maiiwan na kami ng anak namin. So, ‘yun lang, happy ako na fit siya and okay siya.”

Kapag nagkaroon ba si Max, mahi-hurt ka? May kurot?

“No, naging barkada lang kami, close kami.”

So talagang barkada na? “Yeah. Kahit birthday nga binibigyan ko siya ng gift, tina-try ko even Mother’s Day. Barkada, walang kahit na ano.”

In fact, regular din ang communication nito sa kanyang mom, si Ms. Redgie Magno, retired executive ng GMA 7.

“Oh yeah, and close din siya kay Mom. Minsan kunwari wala ako, kaila­ngan niyang sunduin si Skye, si Mom nagsusundo. Tapos minsan nga parang tinu-tour pa ni Skye si Mom ko sa bahay ni Max. Happy ako na alam mo ‘yun compared na hindi kayo maging okay,” pagwawakas ng chikahan namin kay Pancho.

Chinoy, may bagong palabas

Bilang selebrasyon ng 50th anniversary of diplomatic relations sa pagitan ng Philippines and China, as well as the 15th anniversary ng CHiNOY TV, ang nangungunang platform for Chinese Filipino stories, inilabas nila ang special new documentary titled Chinese by Blood, Global by Heart.

Ang nasabing international adaptation of the acclaimed Chinese by Blood, Filipino by Heart expanded its focus mula Chinese Filipino experience to the broader global Chinese diaspora, pagbabahagi ng mga salaysay na nagpapakita kung paano nag-intersect ang pagkakakilanlan, pamana, at layunin sa isang mabilis na konektadong mundo.

Pero bago ito ipalabas, nagkaroon ng exclusive screening sa Red Carpet Cinema in Shangri-La Plaza kung saan napanood ang one-hour preview of the documentary, which featured behind-the-scenes moments from the inaugural year of Mr. and Ms. Chinatown Global kung saan ang Pilipinas ang nag-uwi ng koronang Ms. Chinatown Global 2025 (Khryss Go), habang isang Malaysian ang nakasungkit ng Mr. Chinatown Global, si Byron Sng.

Bukod sa cash prize ang ganda rin ng exposure ng dalawang nanalo ng korona.  “Sobrang honored and privileged. Kasi hindi ko talaga ini-expect, dahil even 10 lang kami sa pageant, pero grabe ‘yung caliber ng candidates. Sobrang outspoken at ang gaganda talaga.

“Ako overwhelmed kasi kakabalik ko rin lang talaga sa pageantry, kaya super grateful ako na ako ang nanalo,” pahayag ni Khryss Go.

At idolo niya sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray na parehong dating Miss Universe.

“Talagang makikita mo na confident talaga sila, na iba rin talaga ang kalibre nila, kaya sila nanalo. So, gusto kong sundan ang mga yapak nila,” dagdag ng ChiNOy beauty queen.

At tulad nina Pia and Catriona, handa rin siyang mag-showbiz.  “Yes, kung may offer po talaga, why not? Hopefully makapag-showbiz din ako,” kaagad na sagot ni Khryss.

Kasabay nito ay naganap din ang formal contract signing between CHiNOY TV and Virtual Playground Co., ang official franchise holder for Mr. and Ms. Chinatown Global Philippines. “It is a great honor for us at Virtual Playground Co. to take on this meaningful role. As we embark on this journey, we are committed to uplifting the Chinoy community by celebrating individuals who carry with them the pride, heritage, and potential of Chinese-Filipino excellence,” sabi ni Charlie Dy, CEO ng Virtual Playground Co.

Ganundin ang pagpapakilala sa Hua Magazine, na kung saan ay mababasa ang kuwento ng pageant winners.

Ang Chinese by Blood, Global by Heart ay mapapanood sa June 29, 2025, at 8:30 p.m. sa Bilyonaryo News Channel — Free TV Channel 31, Cignal Channel 24, Converge Channel 74, and SkyCable Channel 33.

New episodes will air every Sunday at 8:30 p.m., with replays every Saturday at 8:30 p.m.

MAX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with