^

Pang Movies

Priscilla, two years nang wala sa buhay ni John

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang bongga na open na talaga si Priscilla Meirelles na pag-usapan ang hiwalayan nila ng ex-husband niyang si John Estrada.

Inamin niyang ayaw niya nang manatili sa isang relasyon kung saan hindi na siya masaya.

Nilantad nga niya na dalawang taon na siyang at peace.

Ayaw nga raw niyang matulad sa mga babae na tahimik lang habang ginagawa ng mga mister nila ang gusto nila dahil lang ito ang gumagastos sa pamilya.

Hindi nga rin daw niya tanggap ang pagtrato sa pamilya bilang basura.

Ikinuwento niya rin ang pinagdaanan ng nanay niya na lumayas din daw bitbit silang magkapatid na walang-wala pero nakayanan nga nila.

Kaya kung gusto raw ng isang tao na makawala sa isang hindi magandang sitwasyon ay gagawin nito.

Hinanda nga raw niya ang sarili at umalis din daw siya sa sitwasyon na ganon pagkatapos ng ilang taon.

Ang importante raw ay kailangan niyang tumayo para sa kanyang sarili at sa anak na si Anechka dahil ayaw niyang i-normalize ang kawalan ng respeto sa pamilya.

Nagsisisi kaya si John sa ganda ng ex-wife niya ngayon na alaga na ng Viva ngayon?

‘Kaloka.

PRISCILLA MEIRELLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with