^

Pang Movies

Luis Hontiveros, pinahinga na ang paghuhubad

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sa July ay five years na palang Kapuso ang model and former sexy actor na si Luis Hontiveros at ngayon ay kasama siya sa big cast ng Encantadia Chronicles: Sang’gre.

Taong 2020 noong pumirma siya with GMA sa tulong ng mga kaibigan niyang sina Rocco Nacino at Gil Cuerva.

“Nagtatanong ako kung paano nga ang dynamics, paano ‘yung experiences nila bilang Kapuso and it was all positive. So I was very optimistic sa paglipat ko and what made it easier is mga tulong nila, sa mga tips and advice nila,” sey ni Luis na pamangkin ni Senator Risa Hontiveros.

Inamin niya na matagal na siyang tumigil sa paggawa ng sexy movies sa Vivamax dahil gusto niyang mag-level up sa pagiging aktor.

“I would say na hindi po muna ‘yan ang magiging focus ko sa career ko ‘cause I don’t want to be branded sa ganoong kategorya lang po ng mga pelikula. I think I have more to prove as an actor. I wanna do more heavy roles in terms of drama and more challenging roles sa action.”

Napatunayan niya ang husay niya in both drama and action sa mga GMA teleserye na First Yaya, To Have And To Hold, False Positive, Asawa Ng Asawa Ko at Black Rider.

Pinaka-challenging daw ang role niya as Soldarius sa Sang’gre dahil dumaan siya sa matinding training in sword fighting at mixed martial arts.

LGBT actor Adrian Lindayag, kasal na sa non-showbiz bf

Ngayong Pride Month, kinasal na sa Amerika ang LGBT actor na si Adrian Lindayag sa boyfriend niyang si Michael Dychiao.

Nakilala si Adrian sa pagbida sa gay-themed films and series tulad ng Love Beneath The Stars, Beach Bros, An Inconvenient Love at Becky and Badette. Lumabas din siya sa Amazon Prime series na Saving Grace at Fit Check: Confessions of An Ukay Queen.

Sa Instagram ng aktor, pinost niya ang sweet wedding photos nila taken at the iconic Grand Central Terminal in New York City. Pareho pa silang naka-Barong Tagalog ng kanyang partner.

Naganap ang intimate lakefront wedding ceremony with family and close friends.
“It’s official: We’re MARRIED!!” caption ni Adrian at pinadalhan siya ng congratulatory messages, nina Maris Racal, Eva Le Queen, Jervi Li, Luis Alandy, at marami pang iba.

Hollywood actor Eric Dane, dahan-dahang napaparalisa

Naging open na ang Hollywood actor na si Eric Dane tungkol sa sakit niya na ALS (Amyotrophic lateral sclerosis) sa interview with Diane Sawyer.

“I wake up every day and I’m immediately reminded that this is happening. It’s not a dream. I don’t think this is the end of my story. I don’t feel like this is the end of me,” sey ng aktor na sumikat dahil sa pagtawag sa kanya na McSteamy sa TV series na Grey’s Anatomy.

ALS is commonly referred to as Lou Gehrig’s disease. It is an incurable, dege­nerative disease that progressively paralyzes a patient’s muscles.

Thankful ang 52-year-old actor sa suporta ng kanyang actress-wife na si Rebecca Gayheart and their two kids.

“I feel fortunate that I am able to continue working and am looking forward to returning to set of ‘Euphoria’ next week. I kindly ask that you give my family and I privacy during this time.”

SANG’GRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with