Ruffa laging katelebabad si Yilmaz, bumpy sa kasalukuyang karelasyon

Inamin ni Ruffa Gutierrez na hindi sila nag-uusap ngayon ng boyfriend niya at may pinagdaraanan ngayon ang kanilang relasyon.
Sa guesting ng aktres sa Fast Talk with Boy Abunda last Thursday, natanong ng host na si Boy Abunda kung ano ba ang estado nila nila ngayon, kung sila pa rin ba or kung nagli-live-in na ba sila.
Ang diin ng “No!” ni Ruffing na ang tinutukoy ay ang pagli-live-in.
“I’ve never lived with a person,” dagdag niya.
Paliwanag pa niya, “hindi ako naniniwala sa live-in. Kaya ‘yung mga relasyon ko nagtatagal kasi may space, ‘di ba? Excited kayo to see each other? Kung everyday, gumigising ka, siya ‘yung katabi mo, parang, ‘oh my gosh!’”
Ang longest relationship daw niya ay seven years.
“We’re going through a bump right now, and we’re not speaking. So, let’s see if that bump will last or we’ll speak again, I don’t know,” she revealed.
Sa ngayon daw kasi ay pareho silang busy sa kani-kanilang mga buhay.
“Well, I’ve been busy also, and he has other things that he should take care of as well when it comes to personal matters. So, maybe this is also a good time, kasi it’s been five years since we first met again on the set of a project that we did.
“So limang taon, so magandang space ‘to para makita natin kung itutuloy ba or ihihinto natin,” paliwanag pa ng aktres.
Naikwento rin ni Ruffa na okay na okay ang friendship nila ngayon ng ex-husband at tatay ng kanyang mga anak na si Yilmaz Bektas. Kahit more than 20 years na silang hindi nagkikita, lagi naman daw silang magkausap sa telepono ngayon.
“On the phone, naging magkaibigan na kami, nagtetelebabad kami,” tsika niya.
Kaya ‘pag nagkita raw sila in person, tiyak na marami silang pag-uusapan. “Especially tungkol sa mga anak namin. It may not have to be romantic but I think it will be nice to have a nice dinner with him,” she said.
Nilinaw ni Ruffa na single pa rin daw hanggang ngayon si Yilmaz at hindi na raw ito nagpakasal muli after her. Wala rin daw itong anak sa ibang babae.
Heto na ang funny blooper ni Ruffa. Nang mahilingan na siya na i-promote ang kanyang bagong serye sa GMA 7 na Beauty Empire ay aksideng nabanggit niya na kasama niya rito si Barbie Imperial instead of Barbie Forteza. Kaya agad niya itong ikinorek at ikinatuwiran na stressed daw siya kasi.
Kaya naman natanong na rin ni Kuya Boy kung karelasyon pa rin ng kapatid niyang si Richard Gutierrez si Barbie Imperial.
Sagot ni Ruffa, “I don’t know, isa pa ‘yon! Minsan, bumpy, minsan, okay. Naguguluhan na ako sa kanila!”
Hahaha!
Heaven at Mikee, magkaramay sa pagiging single
Ang daming nag-comment sa joint post nina Heaven Peralejo at Mikee Quintos sa Instagram.
Ipinost ng dalawang aktres ang isang reel kung saan ay makikitang umaawra-awra sila at nagsasayaw habang nasa tabing-dagat nitong nakaraang Independence Day, June 12.
Tila may ibang ibig sabihin ang caption ni Mikee sa post. Aniya, “Happy Independence Day!”
Sa comment section, marami ang naniniwala na ang ibig sabihin ng caption ni Mikee ay ‘malaya’ or single sila.
Well, si Mikee ay umamin na kamakailan na break na sila ni Paul Salas habang si Heaven naman ay mainit ang tsikang break na sila ni Marco Gallo although wala pa silang pahayag tungkol dito.
At any rate, sa comment section ay mababasa na lungkot na lungkot ang mga MarVen fans kung totoo ngang ‘malaya’ na si Heaven. Pero may mga nagsabi rin namang walang ibang meaning ang caption ni Mikee at bumabati lang sa Araw ng Kalayaan.
- Latest