Mega, napagkamalang GMA Ball
The public is not invited sa katatapos na Mega Ball, huh! Limitado lang ang nakita naming posts kaugnay rito!
Na akala ng iba ay GMA Gala dahil pulos taga-GMA ang celebrity.
Last year, tumodo ang GMA sa Gala Night nila. Talagang in full coverage ang rampahan ng display ng mga suot, huh!
This year kaya? Tipidity is the name of the game kaya?
Sa true lang para saan ba ang Mega Ball? ‘Di ko gets! Hahaha.
Marian, pinakita ang sosyal na pictorial sa Milan
Sosyal na sosyal ang shoot ni Marian Rivera sa endorsement niya ng makeup na Kiko Milano.
Finally, inilabas na ni Yan ang behind the scenes ng Kiko Milano.
“A little peek behind the scenes.
“Shooting for @kikomilanoph’s “icons from an icon campaign” was such a dream! Feeling so grateful and lucky to be part of this amazing experience,” caption ni Yan.
Makikita rin sa video ang asawa niyang si Dingdong Dantes na kumukuha rin ng pictures.
Wala talagang kupas ang ganda ng isang Marian Rivera!
Eddys, pang-global na
Level-up na talaga ang SPEEd o Society of Philippine Entertainment Editors, huh!
Kasi nga, going global na rin ang 8th Eddys (Entertainment Editors’ Choice) dahil sa unang pagkakataon eh globally streamed ito through partnership with ABS-CBN’s iWantTFC.
Magaganap ang ceremonies sa July 20 sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom at Newport World Resorts, Pasay City.
Mapapanood naman ito sa July 27 sa ABS-CBN’s Kapamilya Channel at Jeepney TV.
- Latest