^

Pang Movies

John Lloyd, maaga ang Father’s Day gift galing sa anak

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
John Lloyd, maaga ang Father’s Day gift galing sa anak

Pang-Father’s Day ang Instagram post ni John Lloyd Cruz na kasama ang anak na si Elias. Magkatabi ang mag-ama at may pinapanood, kaya lang, ang caption ni JLC ay may kalaliman at parang walang kinalaman sa larawan.

Sabi nito, “Sinubukan ko pero baka nga mas mainam na hayaan nalang wala kesa pilitin hanapin at hintayin ang mga letrang sasapat at tatapat sa sandaling to.”

Sa isa pang post, drawing ni Elias ang pinost ni JLC at may caption na “Gawa ng anak ko. Ni Elias.”

May pagka-abstract ang drawing ni Elias ng dalawang kamay at may kung anong mga bagay ang kasama sa drawing.

Tila namana ng bata ang love for the arts ni JLC at hindi nakakapagtaka kung sa mga darating na araw, isasama niya ang anak sa pagbisita niya sa mga art gallery.

Marian, susunod kay Gerald

Kinuwento ni Dingdong Dantes sa GMANetwork.com ang favorite moments niya bilang ama nina Zia at Sixto, ang dalawa nilang mga anak ni Marian Rivera.

“I like playing with kids. I like spending time with them” sabi ni Dindong, lalo na raw kung sabay-sabay silang kumakain.

“I like driving for them,” dagdag pa ng aktor.

Nabanggit din ng aktor na tsine-cherish niya ang moment na katabi niyang natutulog ang mga anak na madalas siguro itong nangyayari kapag wala siyang appointment at nasa bahay lang.

“I love growing up with them,” dagdag pa ni Dingdong.

Ang dream nga ni Dingdong, ma-witness o maging present siya sa bawat milestones sa buhay nina Zia at Sixto. Siyempre, kasama ang wifey niyang si Marian.

Bukas na ang Father’s Day at siguradong ise-celebrate nila ang special event na ito.

May tsika pala na magiging houseguest si Marian sa Bahay ni Kuya, after Gerald Anderson, siya na raw ang susunod na houseguest bago ang finale ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Wala pa mang kumpirmasyon, marami na ang naghihintay kay Marian at sa mga sasabihin at gagawin niya sa loob ng Bahay ni Kuya.

Catriona, nilinaw ang pag-follow nila ni Mayor Vico!

Nakarating na kay Catriona Gray na sini-ship sila ni Pasig City Mayor Vico Sotto at nilinaw na mutual followers lang sila sa Instagram. Wala raw romantic na namamagitan sa kanilang dalawa.

Na-interview si Catriona sa MEGA Ball at pinag-react. “Nagulat din ako. Hindi ko nga ini-expect na may meaning na ganyan. Follow-han lang. Mutuals lang,” sabi nito.

Natawa siya nang mabanggit na ViCat ang itinatawag ng shippers nila ni Mayor Vico. “There’s nothing really much more than the mutual follow,” paglilinaw nito.

Dahil nakuha na ang reaction niya, si Mayor Vico naman ang susunod na tatanungin sa follow-han nila sa IG.

Kahit nabanggit na nito na hindi pa niya priority ang love life at focused pa sa pagiging mayor ng Pasig, hindi pa rin nagpapaawat ang ViCat shippers.

In fact, pati kay Atasha Muhlach at kay Gretchen Ho, sini-ship din siya. ‘Yung kay Atasha, nasagot na nito, hindi raw totoo at hindi pa nga nila nami-meet ang daughter nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez-Muhlach.

JOHN LLOYD CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with