^

Pang Movies

Glaiza, mas gusto nang kasama ang mister

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Glaiza, mas gusto nang kasama ang mister
Glaiza

Noong 2023 pa ang huling pinagbidahang teleserye ni Glaiza de Castro na Seed Of Love. Ngayon lang daw siya nagbalik-taping para sa Encantadia Chronicles: Sang’gre para muling buhayin ang character niyang si Pirena.

Ayon kay Glaiza, support lang daw sila sa mga bagong Sang’gre sa naturang telefantasya. Masaya ang aktres na naipasa niya ang brilyante ng apoy sa Sparkle actress na si Faith da Silva na gaganap bilang Flamarra.

“Nakita ko kay Faith ‘yung determination na maging mahusay na aktres. Nasa mata niya ‘yung passion and fire para maging sang’gre,” sey ni Glaiza na mas gusto na ngayon na makasama ang mister na si David Rainey sa Ireland. 

Nangako naman si Faith na ibibigay niya ang lahat para sa pagbida niya sa Sang’gre kasama sina Bianca Umali, Angel Guardian at Kelvin Miranda.

“Matagal ko na pong dream ito. Bata pa lang ako, Encantadiks na ako. Hindi ko akalain na one day ay magiging bahagi ako ng legacy ng Encantadia. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon,” sey ni Faith. 

Onemig, may rebelasyon sa pagbalik sa TGIS

Mukhang matutuloy pa rin ang pinaplanong reunion project ng ‘90s youth-oriented show na T.G.I.S. kahit pumanaw ang isa sa cast na si Red Sternberg.

Kamakailan ay nagparamdam ang isa sa original cast ng show na si Onemig Bondoc. Sa post ni Direk Mark Reyes on social media, nakasama nila si Onemig sa isang small gathering with Bobby Andrews, Michael John Flores and Angelu de Leon.

Noong 2006, nag-quit si Onemig sa showbiz para bumalik sa pag-aaral at mapagtuunan ng pansin ang kanilang family business. 

In 2014, inamin ng aktor sa programang Powerhouse na nalulong siya sa ipinagbabawal na gamot bago pa man siya magretiro sa showbiz.

Ikinasal siya sa French-Filipina commercial model at aktres na si Valerie Bariou noong 2009 at dalawa ang naging anak. In 2015, naghiwalay sila at nag-file si Onemig ng full custody ng kanyang mga anak. 

Sa ngayon, abala siya sa pagma-manage ng food franchise business.

Arnold Schwarzenegger, wala sa planong magretiro

Sa edad na 77, hindi pa magawang magretiro ng Hollywood action hero na si Arnold Schwarzenegger.

Patuloy pa rin daw ang dating ng offers sa kanya tulad ng season 2 ng Netflix series na FUBAR.

“I love acting… I would never change my life with anyone’s and I think that the character that I play in ‘FUBAR’ is also a character like that. He enjoys his life, and that’s why he cannot find a way to retire and I, in real life, I cannot find a way to retire. So, we have something in common there. ‘FUBAR is a fun show. My real life is fun, so I cannot complain,” sey ni Arnold.

Wish niya na makasama sa isang big project ang anak na si Patrick Schwarzenegger at son-in-law na si Chris Pratt.

GLAIZA DE CASTRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with