^

Pang Movies

Carla, sinopla ang ‘masamang ugali’

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Carla, sinopla ang ‘masamang ugali’
Carla

Birthday ni Carla Abellana kahapon at tama ang mga comment na parang hindi siya 39 years old. Bukod sa generic na birthday greetings, ‘katuwa ang birthday wish ng isa niyang fan na sana raw, magka-boyfriend na ang aktres dahil imposible naman daw na walang nanliligaw sa kanya.

Tama naman ang comment ng isa pang netizen na bakit ang mga tao ang tila broken sa pagpo-post ni Tom Rodriguez ng photo ng kanyang fa­mily? Samantalang si Carla raw ay masaya, minding her own business at tuloy ang buhay.

Samantala, sinagot ni Carla ang comment ng isang hater na pangit ang ugali niya at gustong palabasin na ito ang rason sa paghihiwalay nila ni Tom. “Hindi din po masama ugali ko,” sabi nito.

Siguro, matitigil lang ang pabalik-balik ng isyu kina Carla at Tom kapag nakahanap na rin ang aktres ng guy na kanyang mamahalin.

Gerald, ‘di naiwasan si Kim sa PBB

Si Gerald Anderson ang houseguest sa Bahay ni Kuya after Barbie Forteza.

Bago ang finale, tila may dalawa pang house­guests na papasok sa Bahay ni Kuya, tig-isa siguro ang Kapuso at Kapamilya talent para balanse.

Sa napanood namin ng video, napag-usapan nina Gerald at ng housemates si Kim Chiu dahil siya ang kasabay ni Gerald sa unang PBB noong 2006. Hindi nagustuhan ng isang fan ni Kim na nabanggit ni Gerald si Kim.

Nagpakilalang fan nina Kim at Paulo Avelino ang nag-comment na ‘yun na inalmahan ng fans ni Gerald. Hindi raw maiwasang mabanggit si Kim dahil napag-usapan ang PBB. Matagal na raw tapos ang love story ng mga ito at sana, wala nang mga ganitong reaksyon.

Anyway, kasama sa pagbisita ni Gerald sa Bahay ni Kuya ang i-promote ang bago niyang series sa ABS-CBN na Sins of the Father.

In fairness, lahat naman nang nagiging houseguest nagpo-promote ng mga kaganapan ng kanilang career.

Gumawa ng wedding cake nina Zeinab at Ray, may paliwanag sa P2 million na halaga nito

Pati wedding cake sa kasal nina Zeinab Harake at Ray Parks Jr., isyu, dahil worth P2 million daw. Marami ang naniwala sa balita at na-bash tuloy ang mga bagong kasal. Sobrang mahal daw ng cake, mas maraming dapat paglagyan ng ganu’ng kalaking pera.

Damay sa nega feedback ang gumawa nito na Honey Glaze Cakes at no choice sila kundi magpaliwanag.

“Contrary to circulating rumors regarding the Wedding Cake of Zeinab and Ray Parks’ Wedding, the cake was NOT an extravagant 2 million creation.

“While we appreciate the enthusiasm and attention surrounding our cake, we must clarify that such claims are false and inaccurate.

“We urge the public to be cautious of misleading information regarding our services and pricing.”

Hindi binanggit sa statement kung magkano ang controversial wedding cake na tama lang dahil business secret ‘yun.

May pera ang mga ikinasal at afford nila ang big wedding.

CARLA ABELLANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with