^

Pang Movies

Anak ni Bossing, may warning sa nagbebenta ng pekeng artwork ni Arturo Luz

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Anak ni Bossing, may warning sa nagbebenta ng pekeng artwork ni Arturo Luz
Paulina Luz Sotto

‘Kaloka naman na na-call out daw ng anak ni Bossing Vic Sotto na si Paulina at ng nanay nitong si Angela Luz ang nag-organisa ng exhibit na nagbebenta diumano ng artworks ng lolo at tatay ng mga ito na si National Artist Arturo Luz.

Ni-repost ni Paulina ang isang reel na tila teaser ng exhibit na gaganapin daw sa isang mall na may boses pa ng National Artist.

Sa caption ni Paulina ay tinanong nito kung saan galing ang show na iyon at pati rin ang mga painting.

Wala raw kaalam-alam ang pamilya nila tungkol sa exhibition na iyon.

Ni hindi raw sila na-inform o naimbitahan man lang. Kaya sey niya “Please proceed with caution.”

Wala nga raw sumipot mula sa Luz Family dahil ni isa sa kanila ay walang alam na mangyayari iyon. Ginanap daw iyon nang walang authorization mula sa kanila.

Ang haba nga rin ng post ni Angela at sey nga niya ay sila lamang ang awtorisadong makakapag-authenticate ng likha ng kanilang tatay at ang dami na nga raw mga tao na nawalan ng milyones dahil sa pagbili ng inakala nilang bargain dahil sa sobrang mura ng artwork pero peke naman pala.

Umaasa na nga lang siya na marunong tumingin ang mga bibili ng kaibahan ng peke at totoo at hindi magpapaloko ang mga ito.

Matagal na rin pala nangyayari iyon pero hindi na raw nila kayang manahimik ng kanyang kapatid at palagpasin lamang iyon.

Kaya panawagan din ni Paulina, “Please do NOT support this show and help spread the word. Absolutely no respect for my Lolo’s legacy.”

‘Kaloka.

‘Remember me with a smile’

Sana nga malagpasan ko itong kidney infection ko dahil sa bisa ng stem cell injection. Pero naniniwala ba kayo na kung minsan para na rin akong nagsasawa dahil para namang nakita ko na, nagawa ko na, napuntahan ko na ang lahat.

Na parang kung minsan parang gusto mo nang magpahinga. ‘Yung para bang ano pa ba ang gusto mong gawin sa buhay. Mabuti na nga lang I was looking forward na makita at makasama kahit sandali si Kinsey, ang nag-iisa kong apo.

Life was so good to me kaya very grateful ako. I am surrounded by very good, loving people. Intimate friendship na reliable at helps you grow up as a person.

So grateful for all these blessings. Ngayon na parang nasa twilight na ako ng buhay, I just feel and pray that people will remember me fondly, remember me with a smile.

I tried my best to do good, be good. Pero kung nagkaroon man ako ng mistakes, I feel sorry doon sa talagang nagkamali ako.

Pero doon sa talagang alam ko na sila ang mali, hanggang sa huli mag-away na lang kami.

 Ang suwerte ko na hanggang ngayon, feeling essential pa rin ako na kahit paano nakikisabay pa sa mga nagaganap sa paligid ng showbiz.

Salamat din sa Pilipino Star NGAYON at Pang Masa dahil welcome pa rin akong magsulat. Talagang mahal ako ng Papa Miguel Belmonte ko at spoiled ako kay Salve. Kaya thank you, bongga talaga.

PAULINA LUZ SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with