^

Pang Movies

Kahit short course lang... Matteo, milyones ang gastos sa Harvard

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kahit short course lang... Matteo, milyones ang gastos sa Harvard
Matteo Guidicelli

Inggit yata kay Matteo Guidicelli ang iba na nag-comment na “Para lang masabi na Harvard” dahil sa post ni Matteo na nag-enroll ng short course sa Harvard Business School. May nag-comment pa na “Isang buwan lang yan” at “Isang commercial lang yan ni Sarah (Geronimo)” at ang comment na “A Harvard certificate doesn’t make you a Harvard alumnus.”

Sagot ni Matteo, “@pinkytobiano would know give you a better understanding she’s an alum.”

Nabanggit ni Matteo na si Pinky ang tumulong para makapasok siya sa Harvard. Kahit ano pang sabihin ng mga inggitera, nakapag-aral pa rin ito sa Harvard, lalo na kung iisipin na more than P1.5 million pala ang ginastos nito for the short course. Saka, sinabi naman nito na cert course ang kinuha niya at ang importante pa, marami ang masaya para sa kanya.

Ang ganda pa nga ng sinabi ni Matteo na “Met some amazing people from all over the world through HARVARD BUSINESS SCHOOL Executive Education program. Different cultures, different perspective but one shared goal: to grow, learn, and connect.

“Friendships, conversations, and bonds we’ve built in just a short time. All smiles, all excitement. Let’s keep this going.”

Barbie, quickie lang sa PBB

Nakakatuwa ang unang pasok ni Barbie Forteza sa Bahay ni Kuya bilang houseguest dahil ginising ang housemates sa pamamagitan ng pagpito. Ang lakas ng pito ni Barbie, nagulat ang boys, habang tawa nang tawa ang Kapuso star.

Isa pang nakakatawa na ginawa ni Barbie ay tinanong si Kuya kung single siya, bagay na ikinatawa ni Will Ashley. Nag-sorry si Barbie na ikinatawa naman ng viewers at comment nila, aagawan pa ni Barbie si Klarisse de Guzman ng eksena.

Pinatawa rin ni Barbie ang PBB viewers sa naging sagot nang humingi ng advice si Klarisse kung paano umarte. Sagot ni Barbie, “aagawan mo pa kami ng work.” Hahaha!

Sandali lang sa loob ng Bahay ni Kuya si Barbie, isang araw lang yata at siya ang pinakamabilis na houseguest. Kaya backpack lang ang dala niya sa pagpasok.

Nagbiro nga si Klarisse na hindi na nito nahintay ang in-order na ice cream. Pero, kahit sandali lang sa loob ng Bahay ni Kuya, may mga na-share siya sa housemates sa kanyang advocacy at nagbigay pa ng parting message sa housemates.

Comment ng ilang Kapamilya fans, parang ipinasok lang si Barbie sa loob ng Bahay ni Kuya para i-promote ang series na Beauty Empire na aring sa GMA sa July 7 at ang July playdate ng movie niyang P77.

Endorsement ni Luis, nagbalikan na

Magkasama sa isang endorsement sina Luis Manzano at Alden Richards at isinabay sa contract signing ni Alden ang pagpirma naman ni Luis ng kanyang renewal contract.

Sa contract signing nagpa-sample ng kakulitan ang dalawa, lalo na si Luis, kaya walang nagawa si Alden kundi tumawa nang tumawa.

First time na magkasama bilang endorsement sa brand ng crackers sina Luis at Alden at ang biruan ng fans, may budget ang owner nito.

Samantala, nagbalikan na ang endorsement ni Luis after ng elections. Pinalitan siyang endorser ng ilang produkto dahil sinubukang pumasok sa pulitika.

MATTEO GUIDICELLI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with