Coney, ayaw makisawsaw kina mayor Vico at Catriona!

‘Kaloka na napansin na naman ng mga marites ang pag-follow at unfollow ni Coney Reyes kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Ang dami kasing kinilig nang makitang fina-follow ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang ex-beauty queen.
Tingin nila ay nagkakamabutihan na raw ang dalawa at kung wala man daw silang something ay sana raw ay magkaroon.
At lalo silang kinilig nang makita nilang finollow ng nanay ni Mayor Vico si Catriona.
Inisip ng mga ito na mukhang totoo nga na may namamagitan na sa dalawa at suportado iyon ng veteran actress.
Pero mukhang updated si Coney sa pag-link sa anak niya kay Catriona dahil nang i-check ulit ito ng mga marites ay naka-unfollow na ito.
Mukhang ayaw raw nitong palakihin ang issue at umiiwas sa drama.
Posible rin kasi na matagal na niya iyon fino-follow at nagkataon lamang na napansin iyon nang i-ship na ang dalawa.
Ang dami tuloy nalungkot na shippers ng dalawa at nanghinayang sila dahil sobrang bagay raw ang mga ito.
Kaya panawagan ng ibang follower nila ay kumalma lang para raw hindi maudlot kung meron nga silang something.
‘Kaloka naman kasi ang mga nagmamalisya agad kapag nagfo-follow lang ang mga celebrity.
Ginawa agad basehan ang pag-follow sa social media.
Marami talagang epal sa social media.
Epal talaga noh. Hahaha
- Latest