Junior actor, umayaw sa Global Endorsement dahil sa inglesan!
Kinukuha raw na endorser ang isang sikat na junior actor. Malaki ang bayad sa kanya dahil ipalalabas ito sa ibang bansa.
Eh nang makipag-meeting ang aktor kasama ang kanyang team sa advertising company na gagawa ng endorsement, ipinakita sa aktor ang flow ng shoot, location at script.
Nanlaki ang mata ni junior actor nang mabasa ang script! Puro English kasi!
Siyempre, global ang gagawing endorsement kaya mas lamang ang English words!
Ayon sa source namin, gustong ipa-dub ng aktor ang boses niya sa magaling magsalita ng English, huh! Pero hindi pumayag ang brand manager! English ang gusto!
Kaya naman umatras ang aktor sa pagtanggap ng endorsement kahit malaki ang bayad dahil ayaw gawing Tagalog ang script!
Change model ang brand dahil sa pag-atras ng aktor.
Pambansang marites, naduwag kay Mayor Javi!
Simpleng shoutout sa pangalan ni Christian Gaza ang inilabas ni Mayor Javi Benitez sa Facebook.
Sa isang iglap, deactivated na ang account ng Pambansang Marites. Naduwag?
Of course, may kinalaman sa reklamo ng former wife ni Congressman Albee Benitez ang burado nang post ni Gaza na inuugnay kay Ivana Alawi sa isyu! Para kasing alam na alam niya ang lahat, huh!
Eh dahil low-key si Cong. Albee sa issue, hindi puwedeng hindi ma-involve si Mayor Javi na may alam din sa sitwasyon ng amang si Albee.
- Latest
























