Anne at Sandara, nag-bonding sa SoKor!

MANILA, Philippines — Isa pang trending kahapon ay ang short convo nina Anne Curtis and Sandara Park.
Nasa Seoul, South Korea si Anne para sa isang event ng isang brand ng makeup.
Nagpa-thank you si Anne kay Sandara sa pag-share ng kanyang make-up artist sa isang Instagram story.
At nakasama ni Anne sa nasabing event si Jessica Jung na isang sikat na South Korean singer.
Samantala, kaka-drop lang ng Star Creatives ng unang pictorial sa main cast ng It’s Okay to Not Be Okay Philippine adaptation na kinabibilangan nina Anne Curtis, Joshua Garcia at Carlo Aquino.
Kasama sa item na nagti-trending sa pangalan ni Anne ay ang kanyang pagkabahala sa lumabas sa hitsura ng Sierra Madre na kung pagbabasehan ang mga lumabas na pictures ay sira na nga ito.
Kalbo na ito dahil diumano sa mining. Ang nasabing bundok ang sinasabing pumoprotekta sa mga bagyong dumarating sa iba’t ibang lugar na malapit sa nasabing kabundukan.
Komento nga ni Anne sa isang post: “Good morning! Is this real can anyone confirm this? This quite concerning. I remember people saying #SierraMadre played a huge role in breaking typhoons strength before it hit the cities. I truly hope this isn’t real!!!!”
Maging si Nadine Lustre ay ginamit din ang kanyang social media page upang punahin ang pagkakakalbo ng Sierra Madre.
Makikita nga ang nasabing kabundukan sa Dinapigue, Isabela, na kalbo na ang malaking bahagi nito.
Ayon sa forestfoundation.com, ang Sierra Madre ay ang pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas. Ito ang bumubuo sa silangang gulugod ng Luzon, tumatakbo mula sa mga lalawigan ng Cagayan sa hilaga papuntang Quezon sa timog.
Ang koridor ng Sierra Madre ay may lupain na humigit-kumulang na 1.4 milyong ektarya, na sumasaklaw sa Lambak ng Cagayan, Gitnang Luzon, at mga rehiyon ng CALABARZON, partikular sumasaklaw sa 10 lalawigan.
Kaya ‘pag sira ito, apektado ang mga nasabing lugar.
Nora, dama ang presensya sa faney
Ang saya-saya naman. Buhay na buhay ang pagmamahal ng fans ni the late Superstar at National Artist Nora Aunor.
Kasalukuyang dinadagsa ang Pan de Nora sa Kamuning Bakery na pag-aari ni Wilson Flores habang magkakaroon ng mga special screening ang pelikulang Faney [The Fan], produced by Frontrow International, written & directed by Adolfo Borinaga Alix Jr.
Nagkaroon na ito ng special screening last Wednesday night, mismong kaarawan ng nasirang iconic actress / singer pero hindi pa alam ng mga producer kung saan ipalalabas ang film tribute na ito na pinagbibidahan nina Laurice Guillen, Althea Ablan, Gina Alajar at iba pa.
Pero sa totoong buhay kaya, faney ang mahusay na aktres at director na si Direk Gina, “Hindi ako fan ni Guy. I’m a fan of her work at malaki ang respeto ko sa kanya bilang isang artista. Hinahangaan ko siya bilang isang artista. Three words. Mysterious. Enigmatic. Wow! Saan galing ‘yun? Yeah, and one more. She’s great,” pag-amin niya.
At bilib siya sa matinding suporta ng fans ni Ate Guy.
“Sana meron din akong ganung fans. I mean, one of a kind sila. One of a kind kasi ayun nga sila nanay Lourdes (loyal fan ni Ate Guy), na naging fan ni Nora noong Tawag ng Tanghalan days. So she was just parang 10 or 12 years old. So, sinundan na nila ‘yun. So, saan mo makikita ‘yun ngayon. Sino kayang artista ngayon ang may isang lola, nanay Milagros. At hindi isa lang si nanay Milagros. Marami sila. Marami sila riyan,” sabi ni Ms. Gina na isa sa bumida sa nasabing film tribute kay Ate Guy. Ang Milagros na tinutukoy ay ang character niya sa film tribute.
Inilahad sa kuwento na sa araw ng pagkamatay ni Ate Guy, isa sa kanyang avid fans, ang labis na naapektuhan.
Kaya’t nabuksan ang Pandora’s box ng emotions and memories para sa kanyang idol — a bittersweet mix of some things she would rather forget.
Habang ang anak ni Milagros na si Babette ay hindi siya pinayagang dumalo sa public viewing ni Ate Guy dahil katatapos lang sumailalim sa angioplasty at kailangan nito ng oras pa para maka-recover. Pero plinano niyang tumakas at kinausap ang apo na samahan siya, si Beatrice.
Alam ni Milagros na may sama pa rin ng loob si Babette kay Nora dahil noong bata pa siya, nawala siya ni Milagros sa isang fan meet at natagpuan siya makalipas ang isang taon.
Si Beatrice ay isang K-Pop at P-Pop fan at siya mismo ay naghahanda na rin para sa isang fan meet ng kanyang fave K-Pop idol Lee. Nagpapaliwanag si Milagros at sinubukang kumbinsihin si Beatrice habang inaalala ang Noramania na naranasan niya noon sa fan meeting.
Hanggang nagpapalitan sila ng mga kuwento at ramdam ang agwat pero pagkakatulad sa pagitan ng mga tagahanga ng iba’t ibang henerasyon.
Hanggang sa wakas ay pumayag si Beatrice na ihatid ang kanyang Lola sa wake ngunit pagdating nila, sarado na ang public viewing. Nadurog ang puso, pero nangako si Beatrice na dadalhin ang kanyang lola sa libing ni Nora.
Natupad kaya ‘yun?
Ang sumunod na eksena ay isang nagpatibay sa kuwento na higit pa sa fandom — ang mahalaga ay kung paano tayo hinuhubog ng kung sino ang ating pinaniniwalaan at kung sino ang ating mga iniidolo.
Kasama rin sa pelikula sina Bembol Roco (Edgar), Ian de Leon as himself, Perla Bautista (Lola Flor), Roderick Paulate bilang Pacita Ma, Angeli Bayani bilang anak ni Lola Cely at Bianca Tan as Amy.
Bukod kay RS Francisco (Frontrow), co-producer din sa pelikula sina Atty. Aldwin Alegre ng AQ Films at Cecille Bravo ng Bravo Films.
Anyway, four shooting days lang ang Faney ayon mismo kay Direk Adolf.
Kaya pakiramdam ng direktor ay ginabayan sila ng espiritu ni Ate Guy habang ginagawa ito,
- Latest