Alang-alang sa exposure Big star pumayag sa mababang TF
Super big stars na lang yata talaga ang kayang mag-demand ng malaking talent fee either sa TV or movies lalo na kapag kumita o rater ang artista.
Eh may isa ngang artista na sumikat at talaga namang naging in demand hanggang sa nagkaroon ng pandemic at nawala ang sumikat na artistang ito.
Eh kahit may negosyo at puwedeng mabuhay nang hindi bumabalik sa showbiz, ginusto pa rin niyang magkaroon ng comeback sa TV kahit support lang siya.
Gusto kasi ng artistang ito na manatili siya sa kamalayan ng publiko. Eh dahil may anak at hindi na kabataan, pumayag na siya sa mababang talent fee basta makita lang siyang napapanood sa TV, huh!
Naging super alaga kasi ng network ang artistang ito kaya hindi nila basta maitapon. Kaya ang artista, one of those na lang sa show na kinabibilangan, huh!
Gabbi, peyborit sa Kapuso
Renewal pala ng kontrata sa GMA ang latest na ganap kay Gabbi Garcia nitong nakaraang mga araw.
Bukod sa maraming GMA executives na dumalo sa contract signing, present din sa okasyon ang boyfriend ni Gabbi na si Khalil Ramos ayon sa Facebook page ng GMA Network.
Paborito talaga ng GMA si Gabbi na tatlo ang shows sa network – Slay, Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition at ang coming Sang’gre.
- Latest