Suot ni Nadine, pinuna nang tuluyan ng kaso ang rape joke!

Ang outfit ni Nadine Lustre nang magreklamo laban sa online harassment ang pinansin ng ibang netizens. Dapat daw hindi ganu’n ang suot ng aktres.
Kung talagang ‘yun ang feel niyang isuot, sana raw sinara nito ang buttons ng crop top niya at hindi ipinakita ang pusod.
In fairness, hindi naman pangit o bastos ang suot nito at konting tiyan at pusod lang naman ang nakita. Saka, tama ang fans ng aktres, hindi nade-define ang character ng isang tao dahil lang sa suot.
Saka, kung ‘yung mga kaharap nga niya walang reklamo sa kanyang suot, bakit nga naman pinoproblema ng iba. Mas dapat daw pansinin ang inirereklamo ng aktres dahil marami ang nabibiktima ng Bawal Bastos Law, hindi lang mga celebrity.
Samantala, sa kanyang reklamo, walang direktang binanggit si Nadine kung anong online comment ang nagtulak sa kanya para magreklamo. Pero, may isang comment na sinagot niya, sabi kasi ng basher ng aktres, “Sana na ma rape ka ng adik.”
Ni-repost ‘yun ni Nadine sa kanyang Instagram at nag-comment ng “One of the many that did not pass the vibe check.”
Jolina at Robi, susubukan ang tambalan
Kumpirmadong sina Jolina Magdangal at Robi Domingo ang hosts ng Idol Kids Philippines na mapapanood sa Kapamilya Channel. Looking forward ang maraming fans dahil first tandem daw ito ng dalawang hosts.
May mga hindi naman pabor at gusto nila, ibang host naman dahil sina Robi at Luis Manzano na lang daw ang laging nagho-host.
As for Jolina, mas gusto sana ng fans judge ang singer-actress. Kaya lang, nakapagdesisyon na ang ABS-CBN at matatanggap din naman sila ng Kapamilya fans.
Inaabangan ang announcement kung sino ang magiging hurado sa Idol Kids at kung kailan ito magsisimula.
Marian, nadamay sa confidential fund!
Taga-San Fernando ang “Marian Rivera” na nabanggit ni Arnold Clavio na tumanggap ng P100,000 at isa sa mga pangalan na nabigyan daw ng confidential fund ng Office of the Vice President.
Iba sa signature ng totoong Marian Rivera ang fake na Marian na tumanggap ng P100K para raw sa transport rental/expenses. Dahil maraming San Fernando na lugar sa buong bansa, hindi malinaw kung taga-saan ang Marian na ito.
Sabi naman ng source ni Arnold, ginamit lang ang pangalan ni Marian para siguro madaling makuha ang pera.
May iba bang tao na Marian Rivera rin ang pangalan?
Tanong nga ng fans niya, ipatatawag daw ba siya ng Senado kapag nagsimula na ang impeachment kay Vice President Sara Duterte?
Paano nga ba ang proseso sa mga ganitong isyu? Pati nga pala si Chel Diokno tumanggap naman daw ng P120,000 na siguradong ipagre-react nito.
Kasi naman, ang daming pangalan, bakit Marian Rivera pa ang napili? Ayan, nauna nang mag-react ang fans ng Kapuso Primetime Queen at galit sila.
- Latest