^

Pang Movies

Concert ni Lady Gaga sa Singapore, dinagsa ng mga Pinoy

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Concert ni Lady Gaga sa Singapore, dinagsa ng mga Pinoy
Lady Gaga

Maraming fans ni Lady Gaga ang nalungkot dahil hindi kasama ang Pilipinas sa kanyang The Mayhem Ball Tour 2025 kaya marami sa kanyang Pinoy fans including celebrities ay dumayo ng Singapore where she’s having a four-night concert na magtatapos ngayong Sabado, May 31, sa Singapore National Stadium. 

Hindi siyempre nagpahuli ang comedy superstar na si Vice Ganda na siyang nanguna sa mga kilalang personalidad na nanood ng concert.

Dumayo rin ng Singapore ang magkasintahang Rayver Cruz at Julie Anne San Jose kasama ang kanyang mga kapatid at ina.

Speaking of Lady Gaga, engaged na ito ngayon sa kanyang businessman fiance na si Michael Polansky. The couple started dating in 2020 sa gitna ng pandemya. They got engaged nung nakaraang buwan lamang (April).

Ang The Mayhem Ball Tour 2025 ay may kinalaman sa latest critically acclaimed released album ni Lady Gaga na pinamagatang Mayhem which was released nung nakaraang March 7, 2025.

Samantala, kung hindi man kasama ang Pilipinas sa concert tour niya, tuloy na tuloy naman ang two-night concert ng sikat na American vocal group, ang 98 Degrees sa SM MOA Arena ngayong May 30 & 31, 2025 at 8 p.m. produced by VIVA Live.

Kasama sa repertoire ng grupo ay ang kanilang mga pinasikat na awitin tulad ng Invisible Man, I Do (Cherish You), Give Me Just One Night (Una Noche), Because of You, The Hardest Thing, at ang kanilang #1 collaboration song with Mariah Carey, ang Thank God I Found You among others.

Ang 98 Degrees ay binubuo ng magkapatid na Nick at Drew Lachey, Jeff Timmons at Justin Jeffre at ang grupo ay mag-aapat na dekada na sa industriya.

LADY GAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with