Barbie at Kyline, mala-koreana ang atake; Yilmaz, naunsyami ang pagbisita sa bansa

MANILA, Philippines — Mukhang sumakses si Choi Bo-Min sa pag-welcome sa kanyang Beauty Empire co-stars na sina Barbie Forteza, Kyline Alcantara, at Aaron Maniego sa South Korea. Masayang lumipad ang apat pa-Seoul kamakailan para sa ilang eksena ng nasabing series.
Sa posts ng GMA Public Affairs, makikitang mala-Koreana ang atake nina Barbie at Kyline habang suot ang kanilang fashionable outfits. Kung face card ang usapan, hindi talaga pakakabog ang dalawang Kapuso stars.
Kitang-kita ang closeness nina Barbie, Kyline, Choi Bo Min, at Aaron kahit pa unang beses pa lang nilang magsama-sama sa isang serye.
Samantala, pinagbibidahan din ni Ruffa Gutierrez ang Beauty Empire na inamin kahapon na hindi na matutuloy ang pagdating sa bansa ng dating asawang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas ngayong May.
“Nanonood yata siya nga mga videos online, parang ayaw na niyang pumunta. Buti nagpadala pa ng allowance,” natatawang kuwento ni Ruffa.
Nauna na niyang nabanggit kamakailan na bibisita ito sa bansa pero ang dami raw kaagad ibang babae na nag-message sa kanya at nagagalit.
Na kinumpirma rin ni Yilmaz sa isang post with matching pirma pa nga.
Sa abroad na lang daw ito makikipagkita sa mga anak nilang sina Lorin at Venice.
- Latest