Pan De Nora, ginawan ng isyu ng fans
MANILA, Philippines — Trending ang Pan de Nora ng Kamuning Bakery Cafe na pag-aari ni Wilson Flores.
May mga natuwa kasi at may mga naloka na ipinangalan talaga sa Superstar at national na artist ang nasabing tinapay Kamuning Bakery.
Pero ang isang sure, mabenta ito.
Mahigit isang buwan nang namamayapa ang actress pero patuloy siyang pinag-uusapan na ang latest nga ay itong Pan de Nora na magkakaroon ng official launching sa birthdate ni Ate Guy ngayong May 21.
At ang hitsura ng nasabing tinapay, may nunal sa gitna nito na simbolo ng superstar.
“86-year-old @kamuningbakery Cafe Celebrating National Artist #NoraAunor: A Legend’s Birthday with ‘Pan de Nora. ‘ This May 21, honor the late Nora Aunor with a slice of history! #KamuningBakery Cafe —Quezon City’s pioneer bakery—presents ‘Pan de Nora,’ a special #bread tribute to the *Superstar* whose films & life inspired millions,” sabi ni Wilson sa post niya bitbit ang isang tray ng nasabing tinapay na ang lasa ay parang pinagsamang pan de coco at spanish bread.
Samantala, abangan si Fanye ngayong May 21, bilang pagpupugay sa kaarawan ng Superstar at Pambansang Alagad ng Sining sa Gateway Cinema 11, 7 p.m. First come, first served.
Si Milagros at ang kanyang apo na si Bea, ay parehong tagahanga. Siya ay isang die-hard Noranian at ang huli ay isang K-Pop fan. Ano ang matututunan nila sa fandom ng isa’t isa?
Pinagbibidahan ito nina Laurice Guillen at Gina Alajar at dinirek ni Adolf Alix at producer si RS Francisco.
- Latest