^

Pang Movies

Ruffa, pakakasal na ulit!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ruffa, pakakasal na ulit!
Ruffa

Ang bongga naman ni Ruffa Gutierrez dahil talagang sunud-sunod ang blessings niya. Ang latest, may nadagdag na naman sa kanyang sandamakmak na endorsements.

She’s now the Ambassador of Magical Gems by Isabel and Alexandria na pag-aari ng businessman from Davao na si Mr. Harry Chua.

Sey ni Mr. Chua, “this is such a blessing. Ruffa is a gift from heaven. I never expected this to happen. We are homegrown Davao company and we’re small, modesty aside.”

Dagdag pa niya, “it is such a wonderful, humbling experience that this was made possible. That I get to meet Ruffa as a partner.”

Excited naman si Ruffa dahil likas siyang mahilig sa alahas na namana niya sa kanyang inang si Annabelle Rama. Nagustuhan niya agad ang Magical Gems dahil sa pagka-elegante at magandang quality ng mga alahas nito.

“The design, the quality of the gems stones, talagang makikita mo, they take a lot of effort for each piece na unique talaga at like what Sir Harry said, one of a kind,” saad ni Ruffa.

Suot-suot nga ni Ruffa ang mga alahas na gawa ng nasabing kumpanya at napaka-elegante naman talaga’t donyang-donya talaga ang kanyang hitsura.

Through the years ay inamin naman ni Ruffa na talagang marami na siyang naipundar na magagandang alahas at ang iba rito ay bigay ng kanyang ina. Ang iba ay binili niya and some naman ay bigay ng kanyang friends.

Nang matanong nga kung dumating na ba siya sa panahong kinailangan niyang magbenta ng alahas since as we all know ay single mom siya and solo provider sa kanyang dalawang anak na sina Lorin and Venice.

“Hindi naman, hindi pa ako umabot sa ganu’n. I’m very blessed na maraming kumukuha sa akin na mga shows, endorsements and meron din naman ako na ibang investments din na tuluy-tuloy ang pera.

“So, you know, there are times naman that my mom or Chard (her brother, Richard Gutierrez) would also give Lorin and Venice pabaon. So, tulong-tulong din sila minsan.

“So, ‘pag may extra money si Mommy, she will also give. Pero hindi pa umaabot sa ganu’n and sana, hindi kasi si Lorin, nagtatrabaho na rin and she will be finished (studying) by early next year. So, isa na lang ang basically pag-aaralin ko sa abroad,” ani Ruffa.

Dahil nasa usapang alahas na rin lang, natanong sa aktres kung nakikita niya ba ang sarili na magsusuot muli ng engagement ring mula sa kanyang special someone na gusto siyang pakasalan.
“I’m not closing my doors but I’m happy the way things are now. So, kung dumating man ang pagkakataon na magpapakasal ako in the future, eh sana, ‘yan na ang huli. Hanggang sa last breath of my living life, siya na ang kasama ko. If not, dyowa-dyowa na lang,” ani Ruffa.

Well, hindi naman lingid sa publiko na ang dyowa ni Ruffa ngayon ang isang actor-pulitiko.

Samantala, inanunsyo rin sa naturang mediacon na magkakaroon ng first ever physical store ang Magical Gems sa Davao at dadaluhan din ni Ruffa ang grand opening nito na gaganapin sa June 3.

Makikita rin sa upcoming TV series ni Ruffa sa GMA 7 na Beauty Empire ang mga suot niyang alahas mula sa nasabing jewelry brand.

RUFFA GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with