^

Pang Movies

Vice, umeksena sa concert ni Lady Gaga!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Vice, umeksena sa concert ni Lady Gaga!
Vice

Hindi nagpakabog ang comedy superstar at It’s Showtime main host na si Vice Ganda sa first night ng four-night concert ni Lady Gaga na ginanap sa National Stadium in Singapore last Sunday, May 18, 2025.

Vice Ganda was in his customized red gown na tila inspired din sa mga costume na sinusuot ng American singer, songwriter at actress.

Ang four-night performance ni Lady Gaga in Singa­pore ay bahagi sa kanyang world tour to promote her latest album, ang Mayhem which was released nung March 7, 2025.

Sana nagkaroon ng chance na magkaharap sina Lady Gaga at Vice Ganda para malaman ng American singer-performer na superstar sa Pilipinas si Vice.

Marami namang drag queen fana­tics ang dumagsa sa Singapore concert ni Lady Gaga.

Sen. Lito Lapid, ‘di tinulungan ang anak kay Melanie?!

May anak ang dating beauty queen-actress na si Melanie Marquez sa actor-politician na si Sen. Lito Lapid na si Manuelito Marquez Lapid.

Melanie was very young then when she had her eldest son.

Although masaya ang buhay ni Melanie ngayon sa kanyang present husband na isang lawyer-businessman na si Adam Lawyer, gusto niyang ipaalala sa ama ni Manuelito na si Sen. Lito Lapid ang mga pagkukulang nito sa kanilang anak.

Tulad ng mga anak ni Sen. Lito sa kanyang wife na si Marissa, gusto ni Melanie na pagbuhusan din ng senador ng panahon at attention si Manuelito dahil anak din niya ito tulad ni Ysabel Ortega na anak ng actor-politician sa dating singer-actress na si Michelle Ortega.

Gusto rin siyempre ng dating Miss International na maging close rin si Manuelito sa ibang mga anak ng senador.

Si Manuelito ay naka-base ngayon sa Las Vegas, Nevada na kung tutuusin ay may pag-aaring bahay dun si Sen. Lapid.

Ayon kay Melanie ay mag-isa niyang iginapang si Manuelito.

John at Isabel, nagpakasal ulit

Muling ni-renew ang kanilang marriage vows sa ikasampung taon ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa, ng celebrity couple na sina John Prats at Isabel Oli nung nakaraang May 16, 2025 sa Nayumi Santuary Resort, na pag-aari ng pamilya Prats na matatagpuan in Balete, Batangas kung saan din sila unang ikinasal. 

Dinaluhan ito ng kanilang tatlong anak na sina Feather, Freedom at Forest, respective families at malalapit na kaibigan in and out of the industry.

Gumawa ng kasaysayan sina John at Isabel nang magkaroon ng flash mob dance proposal ang actor-director at entrepreneur sa kanyang kasintahan sa gitna Eastwood City mall in Quezon City nung September 2014 na sinundan ng kanilang pagpapakasal nung May 2015.

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with