^

Pang Movies

Miel ni Sharon, komportable na walang bra!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Miel ni Sharon, komportable na walang bra!

Waiting kami sa reaction ni Miel Pangi­linan sa mga comment dahil lang sa braless siya sa isang photo niya with her family. May mga comment na tila nakalimutan daw nitong mag-bra at obvious ang right nipple nito, ang sagot lang ng isang follower ni Sharon Cuneta sa Instagram ay “Their body, their rules. It’s 2025, let people live.”

May nag-comment pa na may mga babae na comfortable na hindi nagsusuot ng bra at hindi isyu sa New York ang braless. Kapag naglalakad ka raw sa Amerika lalo na kung summer, marami kang makikitang braless na kababaihan at walang pumupuna sa kanila.

May mga nag-wish pa nga na sana ma-norma­lize sa bansa ang hindi pagsusuot ng bra kahit sa labas ng bahay dahil uncomfortable raw ang bra at mainit, lalo na ngayon na summer sa Pilipinas.

Kilala ang pagiging free-spirited ni Miel at hindi siya apektado sa sasabihin ng tao lalo na kung wala naman siyang naaapektuhan. Pero, gusto pa rin naming marinig ang take niya na ginawang isyu ang pagiging braless niya.

Anyway, sa New York din nag-aaral si Miel.

‘Katuwa nga ang netizens, kapag si Miel daw ang nag-graduate, ang yaya naman niya ang isasama nila Sharon sa New York.

Ang swerte raw ng yaya ni Frankie dahil dinala siya nina Kiko Pangilinan at Sharon sa graduation ni Frankie, ganu’n din daw ang mangyayari sa yaya naman ni Miel. 

Nadine at Kathryn, may patikim sa pagsasama

Bukas, May 22, na ang labas ng TVC nina Nadine Lustre at Kathryn Bernardo at sa teaser, makikita ang dalawa na palapit ang mukha at ang biruan, parang magki-kiss ang dalawa.

 Malaki ang campaign ng Creamsilk para kina Kathryn at Nadine, nag-cover sila sa Cosmopolitan at sa Preview, kasama nila ang 24 other Filipinas na sikat in their own field para sa nasabing brand ng conditioner.

Ang sunod na nire-request ng fans nina Nadine at Kathryn ay pagsamahin sila sa TV series o kaya’y pelikula. Ready na ang fans na sila’y mapanood, kaya nananawagan sila sa ABS-CBN, Star Ci­nema at Viva Films.

SHARON CUNETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with