^

Pang Movies

Graduation ni Kakie inisnab ni KC?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Graduation ni Kakie inisnab ni KC?!
KC Concepcion
STAR/File

Magso-showbiz na rin kaya si Kakie Pangilinan?

Bumiyahe sa New York ang mga magulang niyang sina Sharon Cuneta at senator-elect Francis Pangilinan para ipagdiwang ang graduation sa kolehiyo ng kanilang anak na panganay.

Sa Instagram, nag-upload si Ate Shawie ng mga larawan mula sa graduation ceremony ni Frankie sa Barclays Center noong May 16. 

‘Di na sinipot ng bagong senador ang proklamasyon ng mga bagong senador noong Sabado para makasama ang kanyang pamilya at ipagdiwang ang milestone ng kanilang panganay na anak na babae.

Medyo malayo ang pwesto nila sa venue ng graduation kaya naman sa post ni Ate Shawie sinabi nitong : “Our fresh grad!!!  May 16, 2025. #thenewschoolnyc” at saka nilagyan ng bilog ang anak na ang layo ng kuha sa picture.

Isinama rin ni Ate Shawie ang yaya Irish ni Kakie na “Our surprise for @frankiepangilinan on her grad was her Yaya Irish! We brought her with us because she has taken care of Kakie for years now and they are so close!”

Anyway, maaalang nang nakatapos ng kolehiyo si KC sa Paris, France ay pinasok nito ang showbusiness.

Marami siya nagawang pelikula at teleserye pero hindi rin  nagtagal.

Ngayon ay isang negosyante si KC na diumano’y kasaluku­yang karelasyon ng atletang si Aly Borromeo.

Si Kakie kaya magso-showbiz o tutulong sa ama sa Senado?

Maalala ring naglabas ng love letter si Kakie para sa kampanya ng kanyang ama. Na obviously ay nakatulong upang manalo ang kanyang ama.

FDCP ipinapanood ang restored version ng Merika ni Ate Guy

Ipinagmamalaki ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang premiere ng digitally restored version ng Merika (1984) ni Gil Portes sa Metropolitan Theater noong Mayo 18, 2025. Ang restoration na ito ay bahagi ng patuloy na pangako nila sa pangangalaga ng pelikula sa Pilipinas sa pamamagitan ng Philippine Film Archive.

Ang programa, na ipinakita sa pakikipagtulungan ng Mga Hiyas ng Sineng Filipino, ay nagsisilbi rin bilang isang kickoff para sa Panonood ng Pelikula: Pagdiriwang ng Buhay at Mga Gawa ni Nora Aunor. Pagpupugay ng FDCP na parangalan ang pamana ng ating Superstar at Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula at Broadcast Arts na si Nora Aunor.

Ang Mga Hiyas ng Sineng Filipino ay isa ring collaborative initiative ng FDCP at National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na naglalayong dalhin ang mga klasikong pelikulang Pilipino sa big screen.

 Isinalaysay sa Merika ang kuwento ng isang Pilipinong nars na naglalakbay sa buhay sa USA, na nag-aalok ng maaanghang na pagtingin sa mga pakikibaka ng kalungkutan at pangungulila na nararanasan ng maraming Pilipino sa ibang bansa kapag malayo sa kanilang sariling pamilya at bansa. Isang pelikulang tumatangkilik para sa pamayanang Pilipino.

Bilang bahagi ng programa, maaari ring muling bisitahin ng mga manonood ang dalawa (2) pang klasikong Nora Aunor: Atsay ni Eddie Garcia at Tatlong Tao na Walang Diyos ni Mario O’Hara. 

KC CONCEPCION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with