^

Pang Movies

Inamin kay Kyline...bahay ni ivana, minumulto

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Inamin kay Kyline...bahay ni ivana, minumulto
Ivana Alawi

Ibinunyag ni Ivana Alawi na may nagpaparadam na espiritu sa kanyang tirahan kaya naman nagpa-bless daw siya ulit ng bahay.

Naikwento ito ng aktres/content creator sa kanyang latest vlog kung saan ay guest niya si Kyline Alcantara.

Sa nasabing vlog ay dumayo sina Ivana at Kyline sa Tondo para kumain ng street food.

Ayon kay Ivana, nang tanungin daw niya kasi si Kyline kung ano ang gusto nilang gawin sa kanilang collab, ang sagot ng Kapuso actress ay kumain ng street food.

Sey ni Kyline, mahilig daw siya talaga sa street food tulad ng isaw, fish ball, kikiam atbp.

Anyway, habang tinitikman nila ang lahat ng street food sa Tondo ay may mga tsikahan moments ang dalawang aktres.

Napag-usapan nila ang mga paborito nilang gawing projects at ang sabi ni Ivana ay gusto raw niyang gumawa ng horror film. Pero bet niya na siya raw ang gaganap na multo.

Sey ni Kyline, “alam mo ba na may mga story (na) kapag nagfil-film ng horror movie na may nagpapakita talaga sa kanila? Doon ako natatakot, eh.”

Um-agree naman si Ivana at dito na niya ikinuwento ang kanyang ghost experience.

“May time na ‘pag naga-out of town ako tapos bumabalik ako, may sumusunod? Bumubukas ‘yung ilaw ko sa bahay, pramis! Nagpa-bless ulit ako ng whole house,” tsika ni Ivana.

Ikinuwento rin niya ang naranasan noong pumunta siya sa probinsiya na hindi na niya binanggit kung saan.

“Habang nasa province kami, biglang bumukas ‘yung room, boogsh, gumanu’n, tapos walang tao,” sey niya.

Dagdag pa niya, “3 AM, bumukas ‘yung room ko, tapos tulog ako. Tapos akala ko si Mona (her sister), pina-prank ako, so ready akong magwala, ‘sira ulo ka ba? 3am.’”

Anyway, as usual, kinagiliwan na naman ng mga netizens ang latest vlog na ito ni Ivana dahil umaabot na ito halos sa 2 million views sa loob pa lamang ng 24 hours.

Ate Guy, ginawan ng tinapay

Inanunsyo ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) ang bago nitong proyekto na TikTok Video Competition na pwedeng salihan ng ating mga artista, vloggers, influencers, content creators at kahit na simpleng tao.

Naging panauhin sa Pandesal Forum ni Wilson Lee Flores ng Kamuning Bakery ang newly-elected President ng FFCCCIII na si Victor Lim kasama ang iba pang officers las Friday para magbigay ng detalye tungkol sa bagong proyekto na ito.

Hinihikayat ni Lim ang mga kabataang Pinoy na lumahok na may nakahandang malalaking premyo.

Aniya, “Ito na ang iyong pagkakataon para ipagdiwang ang ating ibinahaging kasaysayan sa pamamagitan ng pagkamalikhain. Hayaan ang iyong mga video sa TikTok na magbigay ng inspirasyon sa pagkakaisa at ipakita ang masiglang kinabukasan ng relasyon ng Pilipinas-China.”

Samantala, maging ang Chinese community sa Pilipinas ay hangang-hanga sa hindi matatawarang kontribusyon ng pumanaw na Superstar at National Artist na si Nora Aunor sa entertainment industry.

Nagbigay pa ng tribute kay ate Guy ang FFCCCII sa pangunguna nga ng newly-elected president.

Ayon kay Mr. Lim ay isa rin siyang Noranian at high school pa lang siya ay pinapanood na niya ang mga pelikula ng Superstar.

Hinahangaan din daw niya ang very inspiring ‘rags to riches’ nito.

IVANA ALAWI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with