^

Pang Movies

Mayor Vico, pini-pressure mag-jowa!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Mayor Vico, pini-pressure mag-jowa!

Alam mo, Salve A., hangga’t walang ibang babaeng nali-link sa binatang Pasig City mayor na si Vico Sotto (35) ay mananatili siyang dream guy ng mga single ladies.

Si Mayor Vico ay anak ng veteran host, actor-comedian at producer na si Vic Sotto at veteran actress na si Coney Reyes na magpapatuloy ng kanyang pagsisilbi bilang mayor Pasig sa kanyang ikatlo at final term.

Proud parents siyempre sina Vic at Coney sa untainted governance ng kanilang anak.

Although matagal na ring naghihintay ang mga magulang ni Mayor Vico ng pagkakaroon nito ng girlfriend and eventually ng sarili nitong pamilya, ayaw nilang i-pressure ang anak dahil nasa tamang edad na itong mag-desisyon para sa kanyang sarili.

Since last term na ito ni Mayor Vico sa nanunungkulan bilang mayor ng Pasig, baka doon lamang niya maghanap ng kanyang magiging future partner.

Sa ngayon ay walang pinaka-importanteng babae sa buhay ni Mayor Vico kundi ang kanyang inang si Coney Reyes at kasunod na rito ang kanyang mga (half) siblings na babae na sina Carla Mumar, Danica, Paulina, Tali, at Mochi Sotto.   Masayang-masaya rin si Vico kapag nakikita niya ang kanyang mga pamangkin na abot na sa 12.

Si Mayor Vico ay may dalawang half-siblings sa side ng kanyang inang si Coney na sina LA at Carla Mumar at lima naman sa parte ng kanyang amang si Vic na sina Danica, Oyo, Paulina, Tali at Mochi.

KAPPT natabunan na ng aktor?!

Marami ang nagtataka kung aktibo pa hanggang ngayon ang organisasyong Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT) na unang pinamunuan ng yumaong action star na si Rudy Fernandez na sinundan nina Fernando Poe, Jr., German Moreno, Ronnie Ricketts at Imelda Papin.

Sa  pagkakaalam namin ay pinamumunuan na umano ito ngayon ni  Hero Bautista matapos ma-appoint si Imelda Papin bilang isa sa mga board of directors ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Meron nang bagong tatag na organisasyon ng mga actor sa Pilipinas, ang AKTOR, League of Filipino Actors na pinamumunuan ng award-winning actor, host at film producer na si Dingdong Dantes with Iza Calzado as president at vice-president naman si Agot Isidro na nung itatag ang organisasyon ay meron lamang 26 members na umabot na ngayon ng mahigit 300 and counting.

Ang suggestion ng iba, bakit hindi na lamang makipag-alyansa ang KAPPT officers and members sa AKTOR na kamakailan lamang nagkaroon ng isang malaking assembly ng officers and members na itinaon sa kanilang paglu-launch ng kanilang official website, ang aktor.ph.  Dumalo sa nasabing pagtitipon ang halos lahat ng mga major stars, actors including veteran actors tulad nina Boots Anson Roa-Rodrigo, Charo Santos, Dolly de Leon at marami pang iba.

May pagkakataon noon na miyembo ng KAPPT ang lahat ng mga sikat na artista sa showbiz.

Samantala, may sarili na ring data base ang AKTOR na makikita sa kanilang sariling website.  Nakipag-alyansa rin ang AKTOR sa Liberty Insurance kung saan ang bawat miyembro ng organisasyon ay may P50,000 life insurance sa loob ng tatlong taon.

Ang AKTOR ay bumubuo ng community among all the actors in the Philippines at patuloy na gumagawa ng paraan na makagawa sila ng iba’t ibang activities at benepisyo na pakikinabangan ng mga miyembro.

VICO SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with