Jake, tinanggi agad si Vina!

Nili-link pala ngayon ng netizens sina Vina Morales at Jake Ejercito dahil lang nakunan sila ng video na magkasama sa isang campaign sortie.
Matatandaang nagpunta sila ng Jolo, Sulu sa imbitasyon ng isang political candidate at ipinost pa nga ito mismo ng aktres/singer sa kanyang Instagram account.
May mga netizen na nag-post ng video nila habang magkatabi sa motorcade at dito na nga nagsimula ang kanilang pagkaka-link. Bagay raw ang dalawa at may nagtatanong pa kung sila na ba.
Sey pa ng isang netizen, age doesn’t matter naman daw. Mas matanda kasi si Vina who is 49 years old kay Jake na 35 years old naman.
Sey pa ng netizens, hindi naman daw halata ang age gap nila dahil maganda pa rin si Vina at mas mukhang bata kaysa sa kanyang edad.
Anyway, kaagad naman nilinaw ni Jake ang issue sa latest vlog ni Ogie Diaz.
Ayon kay Ogie ay itinext niya agad si Jake at tinanong ang tungkol sa tsismis na sila na ni Vina.
“Sabi niya, ‘tito, hindi po totoo ‘yan. Nagkasama kami ni Vina sa isang motorcade ng isang campaign sortie doon sa Sulu. ‘Yun lang po ‘yan,’” ang tsika ni Ogie.
So, there.
Alfred, doble ang panalo
Trabaho agad ang haharapin ni Alfred Vargas matapos manalo ulit sa kanyang ikalawang termino bilang Councilor ng 5th District ng Quezon City.
Sey niya nang makausap namin sa chat messaging, itutuloy raw niya agad ang kanyang mga proyekto at isa na rito ang kanyang programang pang-edukasyon.
“So far, we have 20,000++ college graduate scholars already who are now accountants, managers, engineers, teachers, nurses and even elected barangay officials, among others,” sey ng aktor/pulitiko.
Double victory ang nakamit ni Alfred nitong katatapos lamang na halalan dahil hindi lang siya ang nagwagi kundi ang pinakamamahal niyang younger brother na si PM Vargas bilang congressman naman ng naturang distrito for his 2nd term also.
Sa kanyang Instagram ay nag-post na ng pasasalamat si Alfred na kahit daw marami ang nanira at nagkalat ng fake news tungkol sa kanya during the campaign period ay hindi raw siya iniwan ng kanyang mga kadistrito.
“Doble-dobleng pasasalamat sa lahat ng ating kababayan para dito sa ating double victory sa District V!
“Maraming salamat sa inyong pagmamahal, (suporta) at tiwala through the years! Sa gitna ng napakaraming paninira, fake news, kataksilan, kasinungalingan at pandaraya, nanatili kayong tapat at totoo at nanindigan para sa prinsipyo at tunay na serbisyo. Inilaban ninyo kami kahit mahirap. Sinamahan niyo kami hanggang dulo!
“Dito natin napakita na isa tayong tunay na pamilyang magkasama sa hirap man o ginhawa at handang lumaban para sa tama at para sa isa’t isa at para sa bayan!” sey ni Konsi.
- Latest