David, nagluluksa rin!

Parehong nagluluksa ngayon ang Kapamilya singer, actress at modelo na si Maymay Entrata at ang Kapuso singer-actor at entrepreneur na si David Licauco sa pagpanaw ng kanilang magkahiwalay na mahal sa buhay.
Pumanaw ang Japan-based mother ni Maymay na si Lorna matapos ang dalawang taon nitong pakikipaglaban sa sakit na cancer habang sumakabilang-buhay naman ang lolo ni David, ang kilalang book author, newspaper columnist, educator, speaker at media personality na si Jaime T. Licauco na pumanaw sa edad na 84.
Si Maymay ay very close sa kanyang namayapang ina gayundin si David sa kanyang yumaong lolo.
Nagluluksa rin ngayon ang music icon, ang singer-songwriter na si Rico Blanco at kanilang pamilya sa pagpanaw ng kanyang nakababatang kapatid na isa ring musician na si King Blanco na sumakabilang-buhay dahil sa skin cancer sa edad na 50.
Bea, lagi nang kasama ng jowang bilyonaryo
Alam mo, Salve A., wala pa mang tahasang pag-amin na nagmumula sa Kapuso star na si Bea Alonzo at ang kanyang rumored new boyfriend, ang bilyonaryong negosyante na si Vincent Co (ng Puregold, S&R at iba pang family business), marami ang nagsasabi na seryoso umano ang relasyon ng dalawa at lumulutang na nga ang salitang kasalan.
May ilang beses na ring naispatan ang dalawa na magkasama sa iba’t ibang lokasyon tulad sa Andalusia, Spain kung saan may pag-aaring properties at negosyo ang pamilya Co maging sa Bangkok, Thailand.
Marami siyempre ang natuwa for Bea dahil muli itong nakatagpo ng bagong mamahalin matapos mauwi sa hiwalayan ang naging relasyon nila ng actor na si Dominic Roque kahit engaged na ang dalawa.
Muling nakatagpo si Dominic ng bagong iibigin sa katauhan ng actress na si Sue Ramirez habang si Bea naman ay nauugnay ngayon sa mayamang negosyanteng si Vincent Co.
Sa recent event ng Puregold na ginanap sa World Trade Center in Pasay City, dumalo rin si Bea na siyang ‘apple of the eye’ ng mayamang negosyanteng si Vincent.
Kapag pinakasalan si Bea ni Vincent, tiyak na ito’y magbubuhay-reyna sa sobrang yaman ng pamilya ng kanyang bagong boyfriend.
Pero isa namang self-made ang actress na nakapagpundar ng ilang properties tulad ng kanyang 16-hectare farm in Zambales, an apartment in Madrid, Spain, her house in Metro Manila at iba pa bukod siyempre sa kanyang pangalan na na-build up.
Pareho na rin namang nasa marrying age sina Bea at Vincent. Ang aktres ay 37 habang 45 naman si Vincent and more than ripe para bumuo ng sarili nilang pamilya.
- Latest