^

Pang Movies

Dalawang ex ni Dennis, rumesbak sa komedyante

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kaloka na mukhang ginantihan daw ni Marjorie Barretto ang dating mister na si Dennis Padilla matapos nitong mag-post ng litrato kasama ang ex din ni Marjorie na si Kier Legaspi.

Maaalalang matapos ang ilang linggo ng pagwawala ni Dennis dahil sa nangyari sa kasal ng anak niyang si Claudia Barretto kay Basti Lorenzo, nag-post siya ng photo nila ni Kier na magkasama.

Pero ngayon nga ay si Marjorie naman ang gumawa nito kasama naman ang ex ni Dennis at nanay ng mga anak nito na si Linda Gorton.

Binati ito ni Marjorie sa kanyang birthday at masasabi ngang close na ang dalawa base sa mensahe ni Marjorie roon.

“Happy Birthday to my beautiful friend Linda.Its been wonderful getting to know you. Our late night 2 hour FaceTime calls are never enough. Cant wait to see you end of May. Lets celebrate our birthdays together!”

Sinagot naman ito ni Linda ng “This is so sweet of you Marj. True, we always have a good laugh and meaningful conversations. Thank you for being so kind and thoughtful. Hugs and kisses to you and the kids. And yes, let’s celebrate soon”

Ang bongga na may hawig silang dalawa ha. Mukha nga raw may pattern ang taste ni Dennis sa mga ex.

May mga napagkamalan pa nga silang magkapatid dahil meron nga silang resemblance.

Samantala, base sa post ni Linda nakaraang taon mukhang hindi masyadong maganda ang relasyon nila ni Dennis bilang co-parenting sila sa mga anak.

Sinabi kasi nitong may lapses si Dennis sa child support sa mga anak nila na nasa poder niya sa Australia.

May plano kayang rumesbak ang dalawang ex ni Dennis?

‘Kaloka.

DENNIS PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with