^

Pang Movies

Sen. Bong mag-aalaga muna ng apo, Tito Sen limang beses na sa senado

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sen. Bong mag-aalaga muna ng apo, Tito Sen limang beses na sa senado

Nilinaw ni Sen. Bong Revilla na wala siyang sama ng loob matapos mabigong makapasok sa Magic 12 ng mga senatoriable sa katatapos lamang na halalan.

Sa partial and unofficial result ay makikitang nasa ika-14 na pwesto si Sen. Bong among the Senatorial candidates kaya naman tinanggap na niya ang kanyang pagkatalo.

Sa kanyang Facebook livestream last Thursday ay ipinahayag ng action star/pulitiko na bagama’t hindi siya pinalad na muling mahalal sa Senado, labis-labis ang kanyang pasasalamat sa almost 12 million kataong bumoto sa kanya.

Simula ni Sen. Bong, “nandito tayo sa farm, okay naman po ako. Ganu’n talaga, no? But I would like to congratulate lahat ng nanalo na mga kaibigan ko.”

Isa-isa niyang binati ang mga kapwa-senador na nakapasok sa Top 12 at nanawagan ng pagkakaisa para sa ating bayan ngayong tapos na ang eleksyon.

“Bagama’t hindi tayo pinalad pero okay lang po ‘yon. Ang importante po ngayon ay magkaisa para sa bayan. I-solve natin ‘yung tunay na problema ng bayan. Sana, magkaayos din.

“Ang inyong lingkod dito ay hindi pa rin tayo titigil sa pagtulong hangga’t kaya natin sa mga kababayan natin,” aniya.

Dagdag pa niya, “kung anuman ang nangyari, eh tanggap ko na. Ang importante, masaya tayo. Tama na ‘yung gibaan, let’s move forward para sa bayan, sa bansa. Nagsalita na ang bawat isa, atin pong dapat pakinggan.”

Naniniwala rin si Sen. Bong na may iba pang purpose si God para sa kanya at sa ngayon ay pahinga raw muna siya’t ilalaan ang oras sa pamilya.

“Alam ko po, may purpose pa si God para sa akin and siguro, I think, I should spend more time with my family, my apo. Mag-aalaga muna tayo ng apo. Pahinga. ‘Yun. Basta sa inyong lahat, mahal ko po kayo at walang sama ng loob sa aking dibdib,” pagtatapos ni Sen. Bong.

Proud na proud si Joey de Leon sa kanyang matalik na kaibigan, Dabarkads sa Eat Bulaga, at kasamahan sa iconic trio na Tito, Vic Sotto and Joey na si Sen. Tito Sotto sa pagkakapanalo nito bilang senador sa katatapos lang na eleksyon.

Sa partial and unofficial result ng halalan, nasa pang-walong pwesto si Tito Sen kaya naman sigurado na rin ang pagbabalik niya sa Senado.

Siyempre, isa si Joey sa nagbubunyi sa pagkakapanalo ng kaibigan sa kanyang latest Instagram post ay binati niya ito at ipinagmalaking si Tito Sen lang sa history ng Pilipinas ang limang beses na nahalal na senador.

“Congratulations Tito! Ipinagkakapuri ka namin ng buong Eat Bulaga at ng mga Dabarkads sa isang makasaysayang pangyayari – Ikaw lang sa kasaysayan ng Senado ng Pilipinas ang nahalal ng LIMANG beses! We are proud of you!” mensahe ni Joey kay Tito Sen.

BONG REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with