^

Pang Movies

Female journalist, napilitang manlibre sa mga kapwa journalist

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nang matapos ang coverage ng ilang broadcasters sa Vatican City para sa bagong Papa, nagyaya ang isang broadcast journalist ng isang network na kumain.

Niyaya ni female broadcaster ang ilang journalists sa ibang network na nag-cover din ng event.

Walang sinabi si female journalist kung kanya-kanya sila ng bayad kaya naman eat ang ibang journalists.

Eh nang mapansin ng nagyayang female journalist na walang nag-aambag para sa gastos sa food, inilabas na ni female journalist ang kanyang credit card para bayaran ang kinain nila, huh!

May kalakihan ang bill kaya card ang ginamit. In fairness eh pinasalamatan si female journalist ng kasama.

Pero lesson learned ang natutunan ng female journalist na magyayaya sa kainan, sabihin agad na ambagan o kanya-kanyang bayad dahil limitado rin siyempre ang allowance ng mga ito na galing sa network, huh!

Miles, iniwasan si Maja?!

Bumalik si Maja Salvador sa Eat Bulaga nitong nakaraang mga araw para mag-promote ng game show niyang Emojination sa TV5.

Parang hindi namin napansin kung nasa studio si Miles Ocampo nung bumisita si Maja or nasa remote.

Mula nang mag-asawa at nanganak, nito lang bumalik si Maja. Gaya ng dati, mainit naman siyang inasikaso ng EB Dabarkads.

Bukas na ang Emojination ni Maja kasama ang bagong co-hosts na sina Chad Kinis at Chamy Aguedan bilang kapalit ni Awra Briguela!

Napansin mo ba si Miles sa Bulaga nung bumisita si Maja, Salve A? (Hahaha. Ayaw po ng Triple A – Salve)

MAJA SALVADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with