^

Pang Movies

Ces, mas gusto ang unang panahon

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Ces, mas gusto ang unang panahon
Ces

First time ng mag-best friends na sina Nova Villa at Ces Quesada na maka-experience na mag-dub in Tagalog ng isang full-length South Korean film na Picnic tungkol sa dalawang magkaibigang mga lola.

Ang nasabing pelikula ay released locally ng Nathan Studios ng pamilya ni Sylvia Sanchez.

Kasama rin nilang nag-dub sa iba pang characters sina Bodjie Pascua, Fyang Smith, JM Ibarra at iba pa.

Habang nagda-dub sina Nova at Ces ay hindi umano nila mapigilan ang maiyak sa mga eksena lalupa’t ito’y kuwento ng dalawang lola na marami ang makaka-relate.

Sina Nova at Ces ay naging close na magkaibigan since their Home Along Da Riles days kung saan sila nagkasama nang matagal.

Ang isa sa mga malapit na kaibigan nina Nova at Ces ay ang seasoned actress at producer na si Sylvia Sanchez.

Unknown to many, si Ces ay isa ring mahusay na writer bukod sa kanyang pagiging artista at host. Naging bahagi rin siya noon ng Eat Bulaga bilang isa sa mga host. Naging writer din siya noon ng Home Along Da Riles at Buddy en Sol kung saan din siya naging bahagi ng programa.

Ces is married to Tito Quesada, isang former advertising man bago ito naging documentary director. 

Although iba na ang henerasyon ngayon, aminado ang seasoned actress na hindi umano siya maka-catch up sa modern technology.  Kung pamimiliin siya, mas gusto pa rin niya ang panahon noon na wala pang social media.

Sa kabila na siya’y identified bilang komendyana, Ces can do drama at iba pang genre.

Si Ces ay bahagi ngayon ng sitcom na Pers Family ng TV5 na tinatampukan ng mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Muhlach kasama ang kanilang twins na sina Andres at Atasha.

 

CES QUESADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with