Ice, sumagot sa isyung buntis!

‘Kaloka na napagkamalan palang buntis si Ice Seguerra.
Mabilis siyang nag-post ng artcard na may nakasulat na malaking “FAKE NEWS!” kung saan naroon ang screenshot ng article at mga litrato na sinasabing “AIZA SEGUERRA IS PREGNANT!”
Pati ang litrato ng isang ultrasound ay naroon.
Sa caption niya ay itinanggi niya iyon at sinabing “HINDI PO AKO BUNTIS!!! Bilbil lang po ito. #FakeNewsAlert”
Nakakatawa pero nakakaloka rin talaga ang mga fake news na kadalasang kinakalat pa ng ibang mga vlogger para pagkakitaan.
Maaalala naman na naging vocal si Ice at misis niyang si Liza Diño noon na nagpaplano silang magkaanak sa pamamagitan ng In-Vitro Fertilization o IVF ngunit tila napapagpaliban iyon dahil sa trabaho nila sa kanilang production company na Fire and Ice.
Ang isa pang nakakatawa ay hindi ito ang unang beses na na-fake news siyang buntis na tinatawanan na lamang niya.
Kaya biro ng mga follower niya ay ang tagal na niyang buntis pero hindi pa rin siya nanganganak.
Naku kaya paulit-ulit na paalala sa lahat na hindi talaga dapat basta naniniwala sa mga nababasa online.
Ugaliin nating mag-fact check muna sa rami ng kumakalat na fake news na marami ang napapaniwala ha.
‘Kaloka.
- Latest