^

Pang Movies

Vina, 50 na!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Vina, 50 na!
Vina

Magiging ‘golden girl’ na si Vina Morales sa darating na Oct. 17, 2025.

Meron siyang 16-year-old daughter na si Ceana sa kanyang controversial ex-boyfriend na si Cedric Lee.

Although nasa pa­ngangalaga pa rin ng Star Magic ang nakatatandang kapatid ni Shaina Magdayao, she was allowed na gumawa ng bagong serye sa bakuran ng GMA na pinamagatang Cruz vs Cruz na pagsasamahan nila nina Gladys Reyes, Neil Ryan Sese, Kristoffer Martin, Pancho Magno at iba pa na malapit nang mapanood sa Kapuso network.  

Ang nasabing serye ang magsisilbing comeback project niya sa GMA kung saan siya nagsimula since 1987 nang siya’y maging bahagi ng youth-oriented program na That’s Entertainment ng yumaong star-builder at Master Showman na si German ‘Kuya Germs’ Moreno.  

Huli siyang napanood sa isang serye ng GMA sa pamamagitan ng Codename Asero nung 2000 but once in a while ay lumalabas siya sa dating late night show ni Kuya Germs, ang Walang Tulugan with the Master Showman. 

Twenty-five years later ay Kapuso siya.

It took Vina 25 years bago siya muling nakagawa ng serye sa GMA.

Bukod sa pinagbibidahang serye, si Vina rin ang naatasang kumanta ng theme song ng nasabing soap opera.

Vina is single-handedly raising her only child, ang teener na si Ceana who just turned 16 nung nakaraang April 25.

The singer-actress and entrepreneur has had several failed relationships in the past at kasama na rito ang dating action star at senador na ngayon na si Sen. Robin Padilla maging ang dating Senate President na si Sen. Migz Zubiri.

Nung October 2024 ay kinumpirma ni Vina na break na rin sila ng kanyang American (ex) boyfriend na si Andrew Kovalcin na kanyang nakilala in Hawaii some two decades ago.

Manny, nagpasalamat na kahit talo

Hindi man pinalad ang boxing hero at dating senador na si Manny Pacquiao na makalusot sa kanyang pagnanais na makabalik ng senado, buong puso niyang tinanggap ang kanyang pagkatalo at pinasalamatan ang mga taong nagdasal, sumuporta at bumoto sa kanya.  

Pangalawang pagkakataon na niya ito na matalo sa larangan ng pulitika. Una nung taong 2022 nang siya’y tumakbo sa pagkapa­ngulo at ngayong 2025 midterm elections nang kumandidato naman siya sa pagka-senador.

Kasama siya sa maraming mga kilalang perso­nalidad ang hindi pinalad na manalo sa katatapos pa lamang na midterm elections nung May 12, 2025.

VINA MORALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with