^

Pang Movies

Atasha, pilit pa ring nili-link kay Mayor Vico

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Atasha, pilit pa ring nili-link kay Mayor Vico
Atasha

Nakakatuwa ang sagot ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa biro ng netizens na hindi taga-Pasig kung puwede silang lumipat sa nasabing lungsod dahil sa maayos nitong pamumuno.

Pabiro rin ang sagot ni Mayor Vico na “Masikip po dito. Punung-puno na po kami. Baka wala na po kayo malipatan.”

Hindi pa rin tumigil ang supporters ni Vico, may nag-suggest na sa susunod, sana sa pagka-presidente ng bansa na siya tumakbo para hindi lang mga taga-Pasig ang makinabang sa good governance na kanyang ginagawa.

Nakakatawa lang ang isang comment na bigyan naman niya ng time ang kanyang love life. Mag-asawa na raw siya, pero pilliin niya ang asawang hindi corrupt o walang pamilya at mga kamag-anak na corrupt. Mas maganda raw kung wala sa pulitika ang babaeng pakakasalan niya.

Naalala tuloy namin ang isang TikTok video niya na hinanap sa kanya si Aga Muhlach at kaya hinanap ang aktor dahil girlfriend daw niya ang anak ni Aga na si Atasha Muhlach.

Anyway, may happy dance ang mom ni Vico na si Coney Reyes sa muling pagkakapanalo ng anak. Nakakatuwa ang sayaw ni Coney na pati si Vico natawa.

Kim, mas nag-effort sa birthday ni Paulo

Kinukumpara ng fans ang birthday gree­tings nina Paulo Avelino at Kim Chiu na halos magkasunod ang birthday. Nakulangan ang iba sa birthday greetings ni Paulo sa ka-love team na nag-birthday noong April 19.

Generic daw ang birthday greetings nito kay Kim na “Happy Birthday” at naka-tag ang aktres. Wala raw bang maisip na ibang birthday greetings ang aktor para sa ka-love team? Matabang daw.

Samantalang si Kim, series sa Instagram stories ang birthday greetings sa kanya noong May 13. Ang bilang namin, apat ang post ni Kim at makikitang nag-effort siya dahil iba-iba ang photos na kanyang ginamit.

Hindi maiwasang mag-comment ang fans ni Kim na ingatan ang kanyang puso at baka ma-in love siya kay Paulo na sa birthday greetings lang, ang tipid na.

Sagot naman ng fans ni Paulo, kilala na ni Kim ang aktor at nonchalant nga ito. Mabuti at binati pa raw ito.

Josh, sa bahay na ng mga Binay nakatira!

Part na talaga ng Binay family si Josh Aquino at tama lang na sa nasabing pamilya ipagkatiwala ni Kris Aquino ang anak kapag nasa Manila at wala sa Tarlac.

Kaya naman ito nasabi dahil sa larawan ng mga Binay na ibinalita ang pagkakapanalo ni Nancy Binay bilang bagong mayor ng Makati City, kasama nila si Josh.

Sa photo na lumabas sa Philippine STAR,  nasa likod ni Anne Binay si Josh at tila nakahawak pa si Anne sa braso ni Josh. Hindi kami magugulat kung sa inagurasyon ni Nancy, kasama rin nila si Josh.

Nabanggit ni Kris na si Josh mismo ang pumili na sa kanyang tita Anne siya titira ‘pag wala siya sa Tarlac.

Sa pinost na photo ni Kris na magkakasama sina Josh, Anne at Nancy, nakaakbay kay Anne si Josh at ka-holding hands naman niya si Nancy.

VICO SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with