^

Pang Movies

Michael Sager, tuluy-tuloy ang pagbuhos ng project!

Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ang kanyang PBB journey, tuluy-tuloy ang guestings at projects ng Sparkle artist na si Michael Sager. Ilan dito ang pagiging Unang Hirit host-mate na nagpapasigla sa morning barkada at ang pagpapasaya sa tanghalian kasama ang TikToClock.

Nitong nakaraan naman ay nag-post ang Sparkle ng isang throwback video sa kanyang PBB Journey kung saan nagpakita ng suporta ang kanyang fans. Sey ng ilang netizen “The Big Winner we never had.” Bumubuhos ang suporta ng fans hindi lang sa kanya kundi sa duo nila ni Emilio Daez.

Samantala, nakaabang naman ang fans sa iba pang upcoming projects ni Michael, isa na rito ang muli nilang pagtatambal ni Jillian Ward.

Sey ng isang netizen “basta kame MicJill Lang wait namin another project nila.”

Ano pa nga kaya ang mga pasabog ni Michael ngayong 2025?

MTRCB, suportado ang muling pagpapalabas ng dalawang klasikong pelikula

Suportado ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pagpapalabas ng dalawang klasikong pelikula na Magic Temple at Hiling.

Ito’y matapos bigyan ng angkop na klasipikasyon ng Board ang dalawang pelikula mula sa ABS-CBN’s Sagip Pelikula.

Rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) ang dalawang pelikula. Ibig sabihin, pwede ito sa pamilyang Pilipino at sa mga batang edad 12 at pababa na may kasamang nakatatanda.

Unang ipinalabas noong 1996, ang Magic Temple ay mula sa direksyon nina Peque Gallaga at Lore Reyes, na may temang pagkakaibigan, katapangan at mahika.

Ang Hiling (1998) ay mula sa direksyon ni Jose Javier Reyes at pinagbidahan ng mga batang aktres na sina Camille Prats, Shaina Magdayao at Serena Dalrymple.

Tungkol ito sa isang batang babae na natutupad ang anumang kahilingan. Pagmamalasakit, pagiging hindi makasarili at aral mula sa ninanais ang ilang mapupulot sa pelikula.

Ang suporta ng Board ay bahagi na pagsisikap ng MTRCB na maisulong ang mayamang pamana ng ating bansa mula sa sining ng pelikula.

Suportado ito ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio.

MICHAEL SAGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with