Kahit may karelasyon... aktres, nabuntis ng ibang lalaki
Pinag-uusapan ngayon na diumano’y buntis ang isang inactive actress.
Pero hindi sa karelasyong non-showbiz guy kundi isang foreigner daw ang ama ng dinadala nito.
Kaya confused ang mga nakarinig sa usapan dahil common knowledge ang relasyon ni inactive actress at hindi masyadong showbiz guy.
Kung sabagay, hindi naman pwedeng itago ang pagbubuntis dahil lumolobo ang tiyan.
Unless umalis si inactive actress ng bansa, mava-validate na totoong buntis siya sa foreigner.
Kung ganun, ang bongga naman nitong si inactive actress na kung sabagay ay naghahabol siya sa huling biyahe para magka-baby.
Coco at LT, naisama sa top 12 si Lito Lapid?!
Ang analysis ng mga self-proclaimed political analyst, malaki ang naitulong ni Coco Martin sa pagpasok sa Magic 12 ni Lito Lapid.
Sa huling mga araw ng kampanya ay sumama na si Coco sa mga rally ni Sen. Lito na nasa number 12 nga sa nagaganap na bilangan ng mga nanalong senador sa katatapos na midterm elections.
Aside from Coco, sinasabi rin nila, malaking tulong din si Lorna Tolentino na ayaw magsalita kung anong meron or something sa kanila ng senador/aktor after na magtambal sila sa Batang Quiapo.
Gulat kasi ang marami na si Sen. Lito lang ang lumusot sa mga artistang tumakbo sa senado.
Anyway, isa na namang maaksyong linggo ang manonood sa FPJ’s Batang Quiapo sa muling pagsabak ni Coco sa bakbakan, pati na rin ang pagpasok nina Leo Martinez at Angeli Khang sa hit primetime series.
Mauuwi kasi sa isang mabagsik na harapan ang mag-amang Tanggol (Coco Martin) at Ramon (Christopher de Leon), laban kina Miguelito (Jake Cuenca) at Roberto (Albert Martinez) matapos magka-aberya ang isang malaking transaksyon nila sa droga.
Pero mukhang mas may matinding bakbakan pa ang naghihintay kay Tanggol dahil hindi na ito nagdadalawang-isip pa na muling kalabanin ang sariling amang si Ramon. Gusto na kasing kumalas ni Tanggol sa mga iligal na transaksyon ni Ramon at handa na siyang magbagong buhay para maging mabuting tao.
Dagdag pa sa kalbaryo na haharapin ni Tanggol ay ang pagpasok sa serye ng mga karakter nina Leo at Angeli, na mula sa isa sa pinakamakapangyarihang sindikato sa bansa at maaaring makabanggaan ni Tanggol.
Napapanood ang maaaksyong kaganapan sa FPJ’s Batang Quiapo, na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.
Sexy star na si Karen Lopez nagpaliwanag kung ba’t nawala!
Ayun na, lumabas na ang nawawalang sexy star, si Karen Lopez.
Kaya naman naging popular siya kahapon sa Facebook.
More than a week siyang hindi nagparamdam sa kanyang pamilya at management group kaya nag-panic ang mga ito.
Ayon sa kanyang post kinailangan niya lang magpahinga.
“Pasensya na talaga kung bigla akong nawala nitong mga nakaraang araw. Kailangan ko lang munang magpahinga at mag focus sa sarili ko.
“Dumaan ako sa mga bagay na medyo mabigat mentally and emotionally, at napagtanto kong kailangan kong unahin ang well-being ko- even if that meant stepping back for a while.
“Alam kong may ilan sa inyo ang nag alala o nag taka, at sobrang na-appreciate ko ang messages at support ninyo. Slowly, Im getting better and trying to come back stronger, one step at a time
“Thankyou sa patience, sa pagmamalasakit, at sa pag unawa. Malaking bagay kayo sa recovery ko.”
- Latest