^

Pang Movies

Dingdong at Charo, pumasok sa bahay ni Kuya

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Dingdong at Charo, pumasok sa bahay ni Kuya
Dingdong Dantes at Charo Santos

Ang bongga naman na sina Dingdong Dantes at dating ABS-CBN president and CEO Charo Santos ang bagong houseguests sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Excited daw ang mister ni Marian Rivera dahil first time niya itong mararanasan dahil Kapuso nga siya. Habang si Charo naman ay sinabing “it’s good to be back” daw.

Marami nga ang nasabik sa pagbisita nila sa Bahay ni Kuya na sana raw ay magtagal sila roon.

Tanong ng mga viewer ay pinayagan daw kaya ni Marian ang mister na magtagal doon? At ano nga raw kaya ang magiging reaksyon ng mga housemate ‘pag nakita nila si Charo?

Sey ng mga manonood ay kung sila ang housemate ay siguradong manginginig at mahihiya sila kay Charo.

At papayag daw kaya itong gumamit ng banyo roon gayung may camera ang bawat sulok ng bahay? Biro nga ng iba ay sana raw may live narration siya sa mga kaganapan sa Bahay ni Kuya na mala-MMK.

‘Kaloka.

Well obvious namang dadaan at magpro-promote lamang ang dalawa dahil nga may pelikula sila na Only We Know na pinagtatambalan nila.

Bongga.

CHARO SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with