May epekto kaya? Anne, Belle, Gary V., at marami pang artista, tumayo sa pagbabago!

By this time ay may idea na tayo kung sino ang mga nananalo sa naganap na mid-term elections lalo na sa mga local position.
At sa 12 senators na mananalo, naglalabas ng partial at unofficial ang mga network kaya kumbaga ay sigurado na ang mga nangunguna.
At sana nga ay naging matalino tayo sa pagboto or else, paano na lang?
Pero maraming celebrity ang lumabas at nakiisa sa naganap na eleksyon kahapon.
At kasama sa mga hindi pinalampas ang kanilang pagkakataon na mamimili ng mga bagong uupo na lider ng ating bayan ay si Kim Chiu. “In just one day, we are given the privilege to choose the future leaders of our nation. This is our power as Filipino citizens who dream of a better, more progressive country—where the taxes we pay turn into services we truly feel. From local to national positions, let’s vote wisely. Let’s pray for leaders with integrity and compassion, not just for ourselves, but for the good of the entire nation. Huwag natin sayangin ang pagkakataong ito—bumoto tayo para sa kinabukasan ng mamayang Pilipino. #Halalan2025 #VoteWisely,” aniya sa kanyang post.
Naglabas din ng resibo ang mag-asawang sina Ogie Alcasid and Regine Velasquez sa kanilang pakikiisa sa botohan kahapon.
Si Darren Espanto ay anim at kalahating oras daw nagmaneho para lang makaboto. “Drove 6 and a half hours to vote today! #Halalan2025.”
Ang iba naman tulad nina Janine Gutierrez, Anne Curtis, Vice Ganda, Maja Salvador, Boobay, Zsazsa Padilia, Andrea Torres, Dolly De Leon, Gabbi Garcia, Coney Reyes, Belle Mariano, Donny Pangilinan, Ivana Alawi, Charo Santos, Jessy Mendiola, Alyssa Valdez, Mark Bautista, Nadine Lustre, at marami pang iba ay nag-post sa kanilang Instagram stories.
Pero iba naman ang karanasan ng mahusay na aktor na si John Arcilla sa kanyang pagboto : “So nandito ako sa loob ng isang classroom na ginawang WAITING ROOM sa MAHABANG PILA para bumoto at ganito ang lamesa ng mga estudiyante sa loob ng classroom. Asan ang budget sa EDUKASYON? Tapos boboto tayo ng mga corrupt eh nakaharap mismo satin ang EBIDENSIYA NG MGA MALI NATING PAGPILI? Ano na mga kababayan? AYUSIN NAMAN NATIN ANG PAGBOTO KAHIT LAST MINUTE,” post niya sa social media pages niya kalakip ang isang lamesita na tuklap-tuklap na sa isang public school. Pero walang banggit si John kung saan eskwelahan ‘yun.
Invalidated naman ang boto ni Khalil Ramos dahil sa ‘overvoting.’ “Be extra careful when shading your ballots. I pressed a bit too hard on the first page, and it left marks on the back, right where the partylist section was. Sadly, my partylist vote was invalidated due to “overvoting.” Don’t make the same mistake. #Halalan2025,” paalala niya upang ‘di matulad sa kanya kahapon, maaga-aga pa ‘yun.
Pahayag naman ni Matteo Guidicelli : “Done with today’s objective. Felt good dropping off my ballot. Praying for the future of our country and the leaders that will take charge.”
Nag-flex din si Heaven Peralejo kanyang pagboto, “We showed up. Now it’s your turn. Vote with your heart, vote for what matters. Vote wisely.”
Si Mr. Pure Energy Gary Valenciano ay nagsabing “There’s something about joining the entire country in playing a role as a voter. God bless our beloved Philippines…with the leaders we truly need.”
Si Vhong Navarro ay kasama ang misis at dalawang anak at nagtanong “Nakaboto na ba ang lahat?”
Tumayo rin si Rica Peralejo kahapon pero nawawalan na raw siya ng pag-asa : “Nakakamiss yung feeling na may pagasa. At kahit wala na ako masyado nito ngayon, tumayo pa rin ako para bumoto. Kahit papano, sa isang mahabang listahan na wala ka masyadong mapili ay may iilan na parang kandilang patuloy na umiilaw at kumikinang sa isang madilim na gabi. Tumindig ako para sa kanila.
“I have seen a light and all I desire is to show it to my countrymen.” (Jose Rizal).”
Sa totoo lang, hindi madaling bumoto.
Apat na oras kaming pumila kahapon, kaya’t talagang kailangan kang magtiyaga.
Kaya sana naman ay sulit ang pagod at pila na dinanas ng marami sa resulta nito.
Anyway, ilan kaya sa mga kandidatong artista ang nakalusot?
Habang sinusulat namin ito ay wala pang lumalabas na final result sa Batangas. Gustong malaman nang lahat ang resulta - dahil si Ate Vi (Vilma Santos) ay kumakandidatong Governador, Luis Manzano (Vice Governor) and Ryan Recto for Congress.
At bago naganap ang election noong Lunes ay nag-trending sila dahil sa aircon na nakalagay sa kanyang campaign truck na ginamit.
Isyu sa netizens na ba’t kailangang iparamdam na kaya nilang maglagay ng malaking aircon sa truck sa kampanya.
Na walang masama dahil may pambili sila. Star For All Seasons si Ate Vi, si Luis ay handa financially bago pumasok sa pulitika at tatay ni Ryan si Finance Secretary.
Pero sa totoo lang, parang ang raming na-brain wash sa kinakalat nung iba na ginawang retirement career ng mga artista ang pulitika.
Maraming naniwala sa ganun sa mga nakasabay kong pumila kahapon kaya raw hindi sila bumoto ng mga artista. Pero iilan lang ‘yun. Mas malakas sa buong Pilipinas ang mga artistang kandidato.
Awss.
Pinuntahan sa Spain at sinamahan sa Thailand...Bea magiging misis ng bilyonaryo?!
Ahh sumunod lang naman daw pala ang bilyonaryong negosyante na si Vincent Co kay Bea Alonzo sa Spain at saka sila dumiretso sa Bangkok, Thailand kung saan may sino-shoot na TVC ang actress.
Pero hindi raw totoong pinag-uusapan na ang kasal tho ang chika ng source ay serious daw ang businessman sa actress na sa kasalukuyan ay wala pang naka-line up na project sa GMA 7.
May kumakalat na ikakasal na raw kasi sila at may pre-nup aggreement diumano.
Anyway, nauna nang nabanggit ng source na tanggap ng mga magulang ni Vincent Co si Bea sa kanilang pamilya na nung umpisa raw ay hindi alam ng mga ito na si Bea pala ang dini-date ng batang negosyante.
Nakabalik na sa bansa ang actress at nakaboto na rin kahapon.
- Latest